Poster
Ang mga Tao ni Nephi ay mga Disipulo ni Cristo
at gayon din ako
Nang dalawin ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas ang mabubuting tao ni Nephi, inanyayahan Niya silang “[salatin] ang mga bakas ng pako” sa Kanyang mga kamay at paa. Nais ni Jesus na malaman nila na Siya “ang Diyos ng buong sangkatauhan, at pinatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan” (3 Nephi 11:14). Lumapit ang mga tao kay Jesus nang “isa-isa.” Matapos magkaroon ng personal na karanasan kay Jesucristo, nalaman ng mga Nephita na Siya ang ipinropesiyang Tagapagligtas (3 Nephi 11:15). Bagama’t hindi pisikal na nakatayo si Jesucristo sa harapan natin ngayon, maaari pa rin tayong magkaroon ng malalim na personal na karanasan sa Kanya.
Tulad ng mga Nephita, maaari akong lumapit kay Cristo, matuto tungkol sa Kanya, at mapalakas ang aking patotoo tungkol sa Kanya.