Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Setyembre 2024


Kumonekta

James B.

13, Rizal, Philippines

binatilyong nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Kanina, nagpunta kami sa templo para sa isang aktibidad ng ward upang magsagawa ng mga binyag para sa mga patay. Ang templo ay bahay ng Diyos, at ligtas at masaya ang pakiramdam ko roon.

Nakakatulong din ang mga banal na kasulatan na pakalmahin ako. Ang pagbabasa ng mga ito ay nagpapaalala sa akin na hindi ako iiwan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Kapag may mga tanong ako o hindi ko alam ang gagawin sa paaralan, nadarama ko na ginagabayan at tinutulungan Nila ako. Kung mayroon akong pagsusulit o may isang bagay akong hindi nauunawaan, nagdarasal muna ako at pagkatapos ay ginagawa ko ang bahagi ko na magrebyu.

Mahal na mahal tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Kailangan natin Silang alalahanin palagi at huwag tayong mawalan ng pananampalataya. Maaari tayong magsisi kung may nagawa tayong mga pagkakamali. Kung tayo ay tapat, madarama natin na kasama natin Sila.