Kapita-pitagang Kapulungan
Mga kapatid, hiniling ni Pangulong Nelson na ako ang mangasiwa sa gawain ng kapita-pitagang kapulungan na siyang dahilan kaya tayo nagtipon.
Napakahalaga ng okasyong ito sa mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo.
Mula pa noong Oktubre 10, 1880, nang sang-ayunan si John Taylor na humalili kay Brigham Young bilang propeta, tagakita at tagapaghayag, at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, bawat isa sa mga okasyong ito ay tinawag nang isang kapita-pitagang kapulungan ng mga miyembro ng Simbahan para ipaalam ang tinig ng Simbahan.
Magbobotohan tayo ayon sa mga korum at grupo. Saanman kayo naroon, inaanyayahan kayong tumayo kapag hinilingan at ipakita sa pagtataas ng kamay kung sasang-ayunan ninyo ang mga pangalang babanggitin. Boboto lamang kayo kapag pinatayo na kayo.
Magmamasid ang mga General Authority na nakatalaga sa Tabernacle at sa Aassembly Hall sa Temple Square sa botohang gagawin sa mga pagtitipong iyon. Sa mga stake center, isang miyembro ng stake presidency ang magmamasid sa botohan. Kung may botong hindi sang-ayon, ang mga mga indibidwal na hindi sumang-ayon ay nararapat na makipag-ugnayan sa kanilang mga stake president.
Magpapatuloy na tayo. Muli, tumayo at bumoto lamang kapag hinilingan.
Tumayo po lamang ang Unang Panguluhan.
Iminumungkahing sang-ayunan ng Unang Panguluhan si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ang mga sang-ayon na Unang Panguluhan, mangyaring ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan ng Unang Panguluhan si Dallin Harris Oaks bilang Unang Tagapayo at si Henry Bennion Eyring bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan ng Simbahan.
Ang mga sang-ayon na miyembro ng Unang Panguluhan ay ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan ng Unang Panguluhan si Dallin Harris Oaks bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at si Melvin Russell Ballard bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.
Ang mga sang-ayon na miyembro ng Unang Panguluhan ay ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan ng Unang Panguluhan bilang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol:M. Russell Ballard, Jeffrey R. Holland, Dieter F. Uchtdorf, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Neil L. Andersen, Ronald A. Rasband, Gary E. Stevenson, Dale G. Renlund, Gerrit Walter Gong, at Ulisses Soares.
Mga miyembro ng Unang Panguluhan, mangyaring ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan ng Unang Panguluhan ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Mga miyembro ng Unang Panguluhan, ay mangyaring ipakita lamang.
Mangyaring umupo na po ang Unang Panguluhan.
Inaanyayahan namin sina Elder Gong at Elder Soares ngayon na maupo kasama ang Korum ng Labindalawa.
Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawa lamang, kabilang sina Elder Gong at Elder Soares ay mangyaring tumayo.
Iminumungkahi na sang-ayunan ng Korum ng Labindalawang Apostol si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila ng Unang Panguluhan.
Ang mga sumasang-ayon na miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, mangyaring ipakita lamang.
Magsiupo na po kayo.
Tumayo po lamang ang mga General Authority Seventy at mga miyembro ng Presiding Bishopric.
Iminumungkahi na sang-ayunan ng lahat ng General Authority Seventy at mga miyembro ng Presiding Bishopric si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila ng Unang Panguluhan.
Ang mga sumasang-ayon na General Authority Seventy at mga miyembro ng Presiding Bishopric, mangyaring ipakita lamang.
Magsiupo na po kayo.
Tumayo po lamang ang mga sumusunod saanman kayo naroon: Lahat ng Area Seventy, inordenahang mga patriarch, at lahat ng miyembro ng high priests at elders quorum.
Iminumungkahi na sang-ayunan si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang sinumang di sang-ayon, ipakita lang.
Umupo na po.
Lahat ng miyembro ng Relief Society—ibig sabihin, lahat ng babaeng disiotso anyos pataas—tumayo po lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila.
Lahat ng sang-ayon, magtaas lamang ng kamay.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Maaari na kayong umupo.
Lahat ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood lamang—ibig sabihin, lahat ng inordenang priest, teacher, at deacon—tumayo lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila.
Lahat ng sang-ayon, magtaas lamang ng kamay.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Maaari na kayong umupo.
Ang mga kabataang babae na edad dose hanggang disiotso ay mangyaring tumayo lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila.
Lahat ng sang-ayon, magtaas lamang ng kamay.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Maaari na kayong umupo.
Ngayon, lahat ng miyembro, saanman nakatipon, kasama na ang lahat ng tumayo kanina, magsitayo po lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama ang kanyang mga tagapayo at mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ayon sa pagkabanggit at pagsang-ayon sa kanila.
Lahat ng sang-ayon, magtaas lamang ng kamay.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Maaari na po kayong umupo.
Salamat, mga kapatid, sa inyong pagmamahal at suporta.