2008
Naaalala Ko si Joseph
December 2008


Naaalala Ko si Joseph

Maraming nakakakilala kay Propetang Joseph Smith ang sumulat ng mga karanasan nila sa kanya. Dito, ilan sa mga salaysay na iyon ay may kasamang gawang sining na nagtatampok sa Propeta. Ilang salaysay ang isinulat bago sumapit ang kaganapang inilarawan sa sining at ang iba ay pagkatapos pa nito, ngunit lahat ng ito ay nagbibigay ng pananaw tungkol sa kanyang buhay bilang tao at propeta ng Diyos.

Sabi ni Jesse N. Smith, pinsan ng Propeta: “[Si Joseph Smith] ang taong kinakitaan ko na lubos na nagtataglay ng katangiang tulad ng sa Diyos. … Alam ko na likas sa kanya ang pagiging di sinungaling at di mapandaya, napakabait niya at napakarangal. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko ay naaarok niya ang aking buong pagkatao. Alam ko na totoo ang sinasabi niya tungkol sa kanyang sarili.”1

Joseph Smith, ni William Whitaker, © Deseret Morning News, hindi maaaring kopyahin

Ang Lingkod Kong si Joseph, ni Liz Lemon Swindle, Foundation Arts, hindi maaaring kopyahin

Kanan: Isinulat ni Emmeline Blanche Wells: “Naniniwala akong nadama ko kay Propetang Joseph Smith ang malakas na espirituwalidad na nagpagalak at umaliw sa mga Banal. … Nasa kanya ang kapangyarihan ng Diyos kung kaya’t sa maraming pagkakataon tila nagbabago ang kanyang kaanyuan. … Hindi maipaliwanag ang luwalhating mababakas sa kanyang mukha.”2

Si Joseph sa Kakahuyan, ni A. D. Shaw, sa kagandahang-loob ng Museum of Church History and Art

Dulong kaliwa: Isang kakahuyan ang kadalasang lugar kapag nagsasalita ang Propeta sa mga Banal sa mga Huling Araw. Nagunita ni Amasa Potter: “Naalala ko ang pagtayo ng Propeta para mangaral sa isang malaking kongregasyon sa kakahuyan sa kanluran ng Templo sa Nauvoo. … Sinabi ni Joseph na bawat Banal sa mga Huling Araw ay may isang [espirituwal na] kaloob, at sa pamumuhay nang matwid, at paghiling nito, ihahayag ito sa kanya ng Banal na Espiritu.”3

Pinagsasabihan ni Joseph Smith ang mga Tanod sa Richmond Jail, ni Sam Lawlor

Kaliwa: Isinulat ni Parley P. Pratt ang panahon nang ibilanggo sina Propetang Joseph Smith at iba pa sa piitan sa Richmond, Missouri. Nakinig sila nang ilang oras sa nakapanghihilakbot na mga paglapastangan at maruming pananalita ng mga tanod. “Bigla [si Joseph ay] tumayo, at nagsalita sa isang dumadagundong na tinig, o tulad ng umaatungal na leon, na sinasabi ang sumusunod na mga salita na ayon sa naaalala ko:

“‘TUMAHIMIK. … Sa pangalan ni Jesucristo ay pinagsasabihan ko kayo, at inuutusang manahimik.’ …

“Ang nanliliit sa takot na mga tanod … [ay] hiningi ang kanyang patawad, at nanatiling tahimik.”4

Mga Bulaklak para sa Isang Dalaga, ni Liz Lemon Swindle, Foundation Arts, hindi maaaring kopyahin

Itaas: Isinulat ni Mercy R. Thompson tungkol sa Propeta, “Nang makisakay ako sa kanila ng kanyang asawang si Emma sa kanilang karuwahe naaalala ko na umibis siya at namitas ng mga bulaklak sa parang para sa musmos kong anak na babae.”5

Magkapatid, ni Liz Lemon Swindle, Foundation Arts, hindi maaaring kopyahin

Paningit sa itaas: Nakalarawan sa painting na ito sina Hyrum at Joseph Smith na naglalaro ng pulling sticks. Isinulat ni Mosiah L. Hancock, “Nagyaya si Brother Joseph na maglaro ng pull sticks—at isa-isa niyang nahila patayo ang lahat ng kalaro niya.”6

Pinamumunuan ni Joseph ang Nauvoo Legion, ni C. C. A. Christensen, sa kagandahang-loob ng Brigham Young University Museum of Art

Kaliwa: Isinulat ni Eunice Billings Snow: “Nakita ko ang ‘Nauvoo Legion’ na nagpaparada kasama ang Propeta, … at kanyang asawang si Emma Hale Smith, sakay ng kabayo at nangunguna sa mga sundalo. … Nakaputi ang lalaki, at nakaitim ang babae, sa maganda nilang kasuotan sa pangangabayo. Nakasuot ang lalaki ng kumpletong uniporme ng sundalo, at may palamuting ginintuang mga butones ang damit ng babae. … Charlie ang pangalan ng kabayong paborito niyang sakyan, isang malaki at itim na kabayong lalaki.”7

Inoorden ni Joseph Smith si Parley P. Pratt bilang Apostol, ni Walter Rane, © 2002 IRI

Kanan: Pag-alaala ni Parley P. Pratt, “Noong ika-21 araw ng Pebrero, 1835, sumumpa ako at nakipagtipan sa pagiging apostol, at taimtim na itinalaga at inorden sa katungkulang iyon; at bilang miyembro ng korum na iyon sa ilalim ng mga kamay nina Joseph Smith, Oliver Cowdery at David Whitmer.”8

Nirendahan ng Propeta ang Kanyang Kabayo, sa Huling Sulyap sa Magandang Nauvoo, ni Harold Hopkinson, hindi maaaring kopyahin

Ibaba: Isinulat ni Lucy Walker Kimball: “Alam na alam niya … na kailangan niyang isakripisyo ang buhay niya para sa mga alituntuning inihayag ng Diyos sa pamamagitan niya. … Madalas kong marinig sa kanya na inasahan niyang matatakan ng kanyang dugo ang kanyang patotoo.”9

Mga Tala

  1. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), 585.

  2. Mga Turo: Joseph Smith, 588.

  3. Mga Turo: Joseph Smith, 136.

  4. Mga Turo: Joseph Smith, 412.

  5. Mercy R. Thompson, “Recollections of the Prophet Joseph Smith,” Juvenile Instructor, Hulyo 1892, 399.

  6. Mga Turo: Joseph Smith, 506.

  7. Eunice Billings Snow, “A Sketch of the Life of Eunice Billings Snow,” Woman’s Exponent, Set. 1910, 22.

  8. Parley P. Pratt, Autobiography of Parley P. Pratt, ed. Parley P. Pratt Jr. (1938), 95.

  9. Lucy Walker Kimball, “Lucy Walker Kimball (Autobiography),” Woman’s Exponent, Nob. 1910, 34.