2008
Ang Pagkamatay Bilang Martir ng Propeta
December 2008


Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith

Ang Pagkamatay Bilang Martir ng Propeta

Hango mula sa Reed Blake, “Martyrdom at Carthage,” Ensign, Hunyo 1994, 30–38; tingnan din sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), xxiii, 27–28, 540, 617–20.

Gustong patayin ng ilang masasamang tao si Joseph Smith. Nagpasiya sila ng kapatid niyang si Hyrum na lisanin ang tahanan nila sa Nauvoo para maging ligtas sila. Malungkot silang nagpaalam sa kanilang mga pamilya at nagsimulang maglakbay.

Gusto nilang patayin ang kapatid kong si Joseph, at binalaan siya ng Panginoon na tumakas patungo sa Rocky Mountains para iligtas ang kanyang buhay.

Nagdatingan sa Nauvoo ang mga sundalo para dakpin sina Joseph at Hyrum. Nag-alala ang mga tao sa Nauvoo sa gagawin ng mga sundalo, kaya nagsugo si Emma ng mga tao para sabihan sina Joseph at Hyrum. Nagpasiya silang magtungo sa Carthage. Alam ni Joseph na mamamatay siya doon.

Ako ay patutungong gaya ng isang kordero sa katayan; subalit ako ay mahinahon gaya ng isang umaga sa tag-araw; ako ay may budhi na walang kasalanan sa harapan ng Diyos, at sa lahat ng tao. Ako ay mamamatay na walang kasalanan, at ito ang masasabi tungkol sa akin—siya ay pinaslang nang walang habag.

Isang kostable ang dumakip kina Joseph at Hyrum at ikinulong sila sa Carthage Jail. Maraming bumisita sa Propeta roon. Noong Hunyo 27, 1844, sinamahan siya nina Hyrum, Elder John Taylor, at Elder Willard Richards sa silid-tulugan sa itaas ng bilangguan.

Uminit nang husto sa silid noong hapong iyon. Binuksan ng mga lalaki ang mga bintana para magpalamig. Nagbasa ng aklat si Hyrum at kinausap naman ni Joseph ang bantay. Kinanta ni John Taylor ang “Isang Taong Manlalakbay” (Mga Himno, blg. 22).

Isang taong manlalakbay na laging nakikita ko …

Pakiulit mo nga ang kantang ‘yan, John.

Brother Hyrum, wala akong ganang kumanta.

Gaganahan ka rin.

Pinalibutan ng isang grupo ng galit na kalalakihan ang bilangguan. Pagkatapos ay nagsiakyat sila sa hagdan, habang nagpapaputok ng kanilang baril. Napatay si Hyrum.

Ah! Kaawa-awa kong kapatid na Hyrum.

Anim na beses nagpaputok si Joseph sa tangkang pigilan ang mga mandurumog. Pagkatapos ay tumakbo siya sa bintana. Binaril siya ng mga mandurumog, at nahulog siya sa bintana.

O, Panginoon kong Diyos!

Nang marinig ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Nauvoo ang pagkamatay ng Propeta, nalungkot sila. Mahigit 10,000 katao ang nagpunta sa bahay ni Joseph para makita ang bangkay ng pinakamamahal na Propeta at ng kanyang kapatid.

“Si Joseph Smith, ang Propeta at Tagakita ng Panginoon, ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay rito. … Siya ay nabuhay na dakila, at siya ay namatay na dakila sa paningin ng Diyos at ng kanyang mga tao; at … tinatakan ang kanyang misyon at kanyang mga gawain ng kanyang sariling dugo” (D at T 135:3).

Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Mattozzi