Para sa Maliliit na Kaibigan
Pagpapakita ng Ating Pagmamahal kay Jesus
“Sapagka’t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon” (Lucas 2:11).
Pinanood ni Jenay ang paghahanda ni Inay ng bagong lutong puting cake na nasa mesa ng kusina. Ngayong gabi ay Bisperas ng Pasko, ang araw na ipagdiriwang ng kanyang pamilya ang pagsilang ni Jesus.
Gustung-gusto ni Jenay ang mag-caroling kasama ang kanyang pamilya, magluto ng gingerbread men, at magdekorasyon ng Christmas tree. Ngunit pag-alaala sa kaarawan ni Jesus ang paborito niyang gawin tuwing Pasko.
Puwede ko po ba kayong tulungang lagyan ng icing ang cake?
Kailangan muna natin itong palamigin.
Tinulungan ni Jenay si Inay sa paglilinis sa kusina at paghuhugas ng mga pinggan. Malamig na po kaya ang cake?
Palagay ko tamang-tama lang.
Pinahiran nina Inay at Jenay ng malambot na puting icing ang cake.
Pagkatapos ng hapunan hiniling ni Itay na magtipon ang pamilya sa sala. Kahit alam namin na isinilang si Jesus sa tagsibol, gusto naming ipagdiwang ang Kanyang kaarawan sa ganitong panahon.
Binasa ni Inay ang kuwento ng pagsilang ni Jesus mula sa Biblia at sa Aklat ni Mormon. Pagkatapos ay nagpatotoo si Itay tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus.
Isa-isang binuksan ng mga miyembro ng pamilya ang kanilang mga regalo kay Jesus at binasa ang isinulat nila sa kapirasong papel. Sa tulong ni Inay, isinulat ni Jenay, “Maging mas mapitagan sa simbahan.”
Ipinagmamalaki ko ang bawat isa sa inyo. Lahat ng regalo ninyo ay nagpapakita ng pagmamahal ninyo kay Jesucristo.
Hiniwa ni Inay ang cake at inilagay ito sa magagandang pinggan. Kumagat ng kaunting cake si Jenay at ngumiti. Mahal ko si Jesus, at alam kong mahal Niya ako. Nakadama siya ng magiliw na kapayapaan na parang isang komportableng quilt.