Ang Kamangha-manghang Pagsilang
Para maipaalala sa inyo at sa inyong pamilya ang kamangha-manghang kuwento ng pagsilang ni Jesucristo (tingnan sa Mateo 2:1–12; Lucas 2:1–20), gawin ang tagpong ito ng pagsilang. Pagkatapos ay idispley ito kung saan makikita ito ng iba sa buong Kapaskuhan.
-
Idikit ang mga pahina K8–K9 at K12 sa makapal na papel.
-
Gupitin ang mga tagpo sa mga pahina K8–K9 at K12, at gupitin ang mga hiwa sa mga pahina K8–K9, ayon sa ipinakikita ng makakapal na itim na linya.
-
Itupi ang pinakamalaking tagpo sa mga linyang tulduk-tuldok para tumayo ito.
-
Isiksik ang mga slit ng tagpo ng sanggol na si Jesus sa mga slit ng malalaking tagpo tulad ng nakalarawan. Pagkatapos ay idagdag ang dalawa pang tagpo tulad ng nakalarawan.