Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith Isang Araw ng Kapangyarihan ng Diyos Mula sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (kurso sa pag-aaral ng Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), 445–47. Nang unang lumipat ang mga Banal sa mga Huling Araw sa lugar na magiging Nauvoo, maputik doon at malamok. Maraming miyembrong nagkasakit at namatay. Dinala nina Joseph at Emma ang mga maysakit sa bahay nilang yari sa troso at ipinagamit ang kanilang kama. Natulog sila sa isang tolda sa labas. May isang araw pa nga na tinawag ni Wilford Woodruff kalaunan na “isang araw ng kapangyarihan ng Diyos.” Matapos magdasal sa umaga, binasbasan ni Joseph ang mga maysakit. Brigham, may sapat ka bang pananalig na gagaling ka? Oo, Joseph, mayroon. Nagtungo sina Joseph at Brigham kay Elijah Fordham, na malapit nang mamatay. Bawat minuto ay maaaring huli na niya. Hinawakan ni Joseph ang kamay ni Elijah. Hindi muna tumugon si Elijah, pero lahat ng nasa silid ay nakita ang epekto ng Espiritu ng Diyos na sumasakanya. Brother Fordham, kilala mo ba ako? Elijah, kilala mo ba ako? Oo! Sumasampalataya ka bang gagaling ka? Nangangamba akong huli na ang lahat. Kung napaaga ka sana … Naniniwala ka ba na si Jesus ang Cristo? Oo, Brother Joseph. Elijah, inuutusan kita, sa pangalan ni Jesus ng Nazaret, na bumangon at ikaw ay gagaling! Ang pagsasalita ni Joseph ay katulad ng tinig ng Diyos. Parang niyugyog nito ang bahay, at naging dahilan para tumayo si Elijah mula sa kama. Bumalik ang kulay sa mukha ni Elijah, at buhay na buhay ang kanyang pagkilos. Humingi siya ng damit, kumain ng isang mangkok ng tinapay at gatas, at isinuot ang sumbrero. Pagkatapos ay sumama kay Joseph para basbasan ang iba pang mga miyembrong maysakit. Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Mattozzi