2009
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Pebrero 2009


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang mga mungkahing ito sa pagtuturo ay magagamit sa klase at gayundin sa tahanan. Maaari ninyong iakma ang mga ideyang ito sa inyong pamilya o klase.

“Hindi Madali,” p. 16: Ipasulat sa mga kapamilya sa isang pirasong papel ang mga paraan ng Panginoon na nakatulong o nagpala sa kanila. Gumawa ng garapon ng pasasalamat, at maglagay ng mga piraso ng papel sa loob. Hikayatin ang mga kapamilya na patuloy na magdagdag sa garapon (o sumulat tungkol dito sa kanilang mga journal) tuwing may karanasan sila na tinulungan sila ng Panginoon.

“Pagtatagumpay Bilang Bagong Binyag,” p. 22: Bagong miyembro man kayo o hindi, mahalagang makipagkaibigan sa mga miyembro ng Simbahan. Bilang pamilya, pag-usapan ang mga paraan na matutulungan ninyo ang mga miyembro ng inyong ward o branch. Ipaliwanag na ang pagpapatatag sa mga relasyong ito ay lilikha ng tumatagal na pagkakaibigan at matutulungan tayong lumapit kay Cristo sa paglilingkod sa iba.

“Walang Sinumang Makakaalam,” p. 28: Ano ang ibig sabihin ng mga tao kapag sinasabi nilang walang sinumang makakaalam? Talakayin kung bakit mali ang katwirang ito at kung paano malalabanan ng mga kapamilya ang tukso. Maglista ng ilang tukso, at ipadula-dulaan sa mga kapamilya kung paano sila tutugon pagdating ng tuksong iyon. Basahin ang I Mga Taga Corinto 10:13.

“Mga Henerasyon,” p. 40: Ikuwento ang mga pagbabalik-loob ninyo sa Panginoon, o magkuwento tungkol sa mga ninunong nakasumpong sa ebanghelyo. Ipabahagi sa mga kapamilya kung bakit mahalaga ang ebanghelyo sa buhay nila.

“Isang Imbitasyon para sa Araw ng Aktibidad,” p. K10, at “Maaari Akong Maging Misyonero Ngayon,” p. K14: Matapos basahin ang mga kuwentong ito, mag-isip ng mga taong maiimbitahan ninyo sa isang miting o aktibidad sa Simbahan. Maglista ng mga kapitbahay, kaibigan, at kapamilya. Kahit iniisip ninyo na may isang taong hindi interesado, isama rin siya sa listahan. Malay ninyo kung sino ang magpapaunlak sa imbitasyon ninyo. Bago ang miting o aktibidad, ipagdasal kung sinu-sino ang pipiliin ninyo mula sa inyong listahan, at imbitahan silang sumama sa inyo. Sabayan sila sa paglakad o pasakayin sila sa kotse ninyo kung maaari. Kung magpasiya silang hindi dumalo, patuloy ninyo silang kaibiganin.