Mga kabataan
Sa Kalagitnaan ng Iyong Paghahanda para sa Misyon
Sinasabi ni Pangulong Uchtdorf sa mga misyonero na isipin nila na nasa kalagitnaan sila ng kanilang misyon. Maiaakma mo rin ang ideyang ito sa iyong paghahanda sa misyon: 12 taong gulang ka man o 18, maaari kang maghandang magmisyon.
Ano ang ilang bagay na magagawa mo “sa kalagitnaan” ng iyong paghahanda sa misyon?
-
Laging maging karapat-dapat na pumasok sa templo.
-
Matutong kilalanin ang mga paramdam ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagtatala ng mga paramdam sa iyo at pagkilos ayon dito.
-
Ipagdasal ang mga misyonero.
-
Itanong sa mga misyonero sa inyong lugar kung ano ang irerekomenda nilang gawin mo para makapaghanda kang magmisyon.
-
Matutong gamitin nang epektibo ang iyong oras, na isinasama ang mahahalagang aktibidad na gaya ng paglilingkod, pag-aaral ng banal na kasulatan, at pagsulat sa journal.
-
Habang kausap ang isang miyembro ng pamilya, magbahagi ng isang talata sa banal na kasulatan na nagbigay-inspirasyon sa iyo kamakailan. Ipaliwanag kung ano ang iniisip mo tungkol sa talata sa banal na kasulatan.
-
Magtanong sa iyong mga kaibigan tungkol sa kanilang relihiyon at pinaniniwalaan. Maging handang ibahagi ang iyong mga paniniwala. Yayain mo silang magsimba o sa mga aktibidad sa Simbahan.
Kapag natanto mo na nasa kalagitnaan ka ng iyong paghahanda para sa misyon, makapamumuhay ka nang mas karapat-dapat sa pagtitiwala ng Panginoon at sa patnubay ng Espiritu.