Sulok ng Pag-aaral
Paghahambing: Pamilya
Ang ilan sa pinakamahahalagang paksa ay tinalakay ng higit pa sa isang tagapagsalita sa pangkalahatang kumperensya. Narito ang sinabi ng apat na tagapagsalita tungkol sa mga pamilya. Sikaping maghanap ng iba pang mga paghahambing habang pinag-aaralan ninyo ang mga mensahe sa kumperensya.
-
“Dapat maunawaan ng mga mag-asawa na ang kanilang unang tungkulin—kung saan hindi sila kailanman mare-release—ay sa isa’t isa at pagkatapos ay sa kanilang mga anak.”1—Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
“Kailangan nating gawin ang mga bagay sa tamang kaayusan! Magpakasal muna at pagkatapos ay magkaroon ng pamilya. Marami sa mundo ang nakalimot na sa likas na kaayusang ito ng mga bagay at iniisip na mababago nila ito o mababaligtad pa.”2—Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
“Alam natin na ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ng pamilya at mga family home evening ay hindi palaging perpekto. Anuman ang mga hamong kinakaharap ninyo, huwag mawalan ng pag-asa.”3—Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol
-
“Ang pagtuturo sa ating mga anak na makaunawa ay higit pa sa pagbabahagi ng impormasyon. Ito’y pagtulong sa ating mga anak na maitanim ang doktrina sa kanilang mga puso.”4—Cheryl A. Esplin, pangalawang tagapayo sa Primary general presidency