2012
Komentaryo
Hulyo 2012


Komentaryo

Tinuruan Ako ng mga Pioneer

Noong nakaraang Disyembre nasiraan ako ng loob at ayaw kong lagyan ng dekorasyon ang bahay ko o ipagdiwang ang Pasko. Pagkatapos ay nabasa ko ang isang artikulo sa Liahona ng Disyembre 2011 na naglalarawan kung paano ipinagdiwang ng mga pioneer ang Pasko: nagsayawan sila sa sipol ng himig dahil walang mga instrumentong musikal—sa kabila ng kawalan ng mga regalo at kakulangan ng pagkain (tingnan sa “Pasko para sa mga Pioneer Noong Araw” sa “Maliliit at mga Karaniwang Bagay,” 9). Natulungan ako ng artikulong iyon na baguhin ang aking pag-uugali at manalig. Kung minsan ay hindi natin pinapansin o pinahahalagahan ang lahat ng mayroon tayo.

Ana Rosa de Melo Ferreira, Rio de Janeiro, Brazil

Hanapin ang Diyos sa Bawat Araw

Salamat sa isyu ng Enero 2012. Nagkaroon kaming mag-asawa ng magandang karanasan sa pagbabasa ng artikulo ni Adam C. Olson na, “Pagtuklas na Muli sa Kahanga-hangang Bagay ng Daigdig … at Pag-iwas sa mga Panganib ng Kawalan ng Interes sa Bagay na Espirituwal,” (pahina 20). Nakatulong ito upang matanto namin na kailangang hanapin palagi ang Diyos sa bawat araw ng ating buhay. Alam ko na ang mga mensahe sa magasin ay binigyang-inspirasyon dahil marami rito ang dumating sa buhay ko sa panahong kailangang-kailangan ko ang mga ito.

Daiana Araceli Beloqui de Iannone, Buenos Aires, Argentina