Isang Lumalagong Patotoo
Ang mga patotoo ay parang magagandang halaman. Unti-unting lumalago ang mga ito, at kailangang pangalagaan at protektahan. Sundin ang mga tagubilin sa ibaba para mapayabong at mapaganda ang halamang ito.
Kapag alam mong totoo ang isang bagay, mayroon kang patotoo sa katotohanang iyan. Tinutulungan ka ng Espiritu Santo na maunawaan ang katotohanan sa iyong isipan at ipadarama sa iyo ang kapayapaan, kaligayahan, liwanag, o sigla sa iyong puso. Kulayan ang bulaklak sa pahinang ito tuwing makakabasa ka ng isang bagay sa ibaba na alam mong totoo.
-
Ang Diyos ang aking mapagmahal na Ama sa Langit.
-
Dinidinig at sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin ko.
-
Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, makakapiling kong muli ang Ama sa Langit balang araw.
-
Ipinanumbalik ni Joseph Smith ang ebanghelyo sa mundo.
-
Mayroon tayong propeta ngayon sa mundo.
-
Itinuturo sa akin ng mga banal na kasulatan ang gusto ng Ama sa Langit na malaman ko.
Tulad ng halaman na lumalago kapag diniligan at nasikatan ng araw, lalakas ang iyong patotoo kapag pumipili ka ng tama. Narito ang ilang paraan para mapalakas mo ang iyong patotoo. Kulayan ang dahon sa pahinang ito tuwing may gagawin ka sa buwang ito na nakatulong sa paglakas ng iyong patotoo.
-
Magdasal sa Ama sa Langit.
-
Ibahagi ang aking patotoo sa family home evening o kapag nagbibigay ng mensahe sa Primary.
-
Magbasa ng mga banal na kasulatan.
-
Makinig at matuto sa oras ng Primary at sacrament meeting.
-
Magsulat sa journal ko tungkol sa aking patotoo.
-
Maging mabait sa iba.
-
Basahin ang itinuro ng mga propeta tungkol sa patotoo. (Maaari mo itong simulan sa “Ang Totoong Simbahan” ni Pangulong Henry B. Eyring sa Marso 2009 Liahona.)