Nagsasalita Ngayon
Sinuri ni Elder Oaks ang Japan Isang Taon Pagkaraan ng Lindol
Halos isang taon pagkaraang pinsalain ng mga lindol at tsunami ang Japan, binisita nina Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol at Elder Donald L. Hallstrom ng Panguluhan ng Pitumpu ang bansa at nagbigay ng mensahe ng pag-asa at pagmamahal.
Sa loob ng 12 araw noong Pebrero, naglakbay sina Elder Oaks at Elder Hallstrom, kasama ang kanilang mga asawang sina Kristen Oaks at Diane Hallstrom, sa Asia North Area, at tumigil sa Kumamoto, Nagasaki, Sendai, at Tokyo, gayundin sa maraming lungsod sa baybayin ng Tohoku.
Sa isang artikulo sa Church News, ipinaliwanag ni Elder Oaks ang isang layunin ng pagbisita: “Hangad naming magbigay ng kapanatagan kasunod ng nangyaring kahindik-hindik na kapinsalaan at tsunami na nangyari lamang noong isang taon at upang magturo at magpatotoo na lagi naming ibinibigay kapag kapulong namin ang mga misyonero at miyembro ng Simbahan.”
Pinulong nina Elder Oaks at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Japan, mga misyonero, at iba pa at hinikayat silang “maghanap ng paraan kung paano pababanalin ng Panginoon ang inyong paghihirap para sa inyong kapakinabangan.”
Para mabasa ang tungkol sa paglilingkod ng iba pang mga pinuno ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na sina Elder M. Russell Ballard sa Brazil, Elder Jeffrey R. Holland sa West Africa, Elder David A. Bednar sa Caribbean, Elder Quentin L. Cook sa Australia at New Zealand, Elder D. Todd Christofferson sa Central Europe, at Elder Neil L. Andersen sa Brazil, bisitahin ang news.lds.org at prophets.lds.org.