Paglikha ng Kasaysayan
Sina Soma, Eszter, at Kata B. ay nakatira sa Budapest, Hungary, isang lungsod na may makasaysayang mga palasyo, kaharian, at magagandang gawang-sining at gusali. Bagama’t natututo ang mga bata sa paaralan tungkol sa kasaysayan ng kanilang lungsod, interesado rin silang matuto tungkol sa isa pang uri ng kasaysayan—kasaysayan ng Simbahan.
“Gusto kong malaman ang tungkol sa pagdarasal ni Joseph Smith at pagpapakita sa kanya ng Ama sa Langit at ni Jesus,” sabi ni Eszter, edad 7.
Gustong magbasa ni Soma, edad 10, tungkol kay Nakababatang Alma: “Dati siyang salbahe, pero gusto ko ‘yung pagpili niya na maging mabait.”
Kaunti lang sa Budapest ang nakaaalam tungkol kay Joseph Smith o kay Nakababatang Alma, pero umaasa sina Soma, Eszter, at Kata, edad 5, na habang nagpapakita sila ng mabuting halimbawa at pinipili nila ang tama, mas maraming Hungarian pa ang makaalam tungkol sa Simbahan.
Mga larawang kuha ni Chad E. Phares; mapa na kuha ni Thomas S. Child