Natatanging Saksi
Nabuhay ang mga naunang pioneer noong araw. Ano ang matututuhan ko sa kanila?
Mula sa “Ang Lumang Paraan ng Pagharap sa Kinabukasan,” Liahona, Nob. 2009, 74; “A Meaningful Celebration,” Ensign, Nob. 1987, 70, 72.
Nagbahagi ng ilang ideya si Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa tanong na ito.
Tuwing ika-24 ng Hulyo, ipinagdiriwang natin ang pagdating ng mga pioneer sa Salt Lake Valley.
Iniwan nila ang lahat-lahat—kanilang tahanan, negosyo, bukirin, at maging ang kanilang pinakamamahal na pamilya—para maglakbay sa ilang.
Nagsayawan at nag-awitan ang mga pioneer habang patawid ng kapatagan. Paraan nila ito para manatili silang masaya sa kabila ng matitinding hirap.
Taglay ang matibay na pananalig sa Diyos at sa kanilang mga lider, masigasig na nagtrabaho ang mga naunang pioneer para magtayo ng magagandang komunidad sa mga lambak ng kabundukan.
Napakaringal na pamana ng pananampalataya, tapang, at pagkamalikhain ang iniwan sa atin ng mga dakilang pioneer na ito para masandigan natin.