Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Si Jesucristo ang Anak ng Diyos
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Kunwari’y naglalakbay ka patawid ng disyerto. Matagal ang biyahe, matagtag ang daan habang nakasakay ka sa kamelyo, at ni wala kang mapa na sinusundan! Sa halip, isang bituin ang iyong sinusundan. Ano kaya ang mararamdaman mo? Magkakaroon ka ba ng pananampalatayang magpatuloy?
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ganyan mismo ang ginawa ng mga Pantas na Lalake. Nakakita sila ng maningning na bituin sa silangan at naglakbay papuntang Betlehem para magbigay parangal sa batang Cristo dala ang magagandang regalo. At hindi lamang ang mga Pantas na Lalake ang nagmasid sa bituin. Sa kabila ng karagatan, sa kontinente ng Amerika, nakita ng mga Nephita ang bituin at nalaman nilang si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ay isinilang.
Ngayon, ang pag-iisip sa bituing iyon ay nagpapaalala sa atin sa Tagapagligtas. Nagliwanag ito sa kadiliman at itinuro nito sa mga Pantas na Lalake ang daan, tulad ni Jesus na nagpakita sa atin kung paano mamuhay. Ang bituin ay hindi rin nagbago, tulad ng pagmamahal sa atin ng Tagapagligtas. Sa susunod na titingin ka sa mga bituin, alalahanin na si Jesucristo ang Anak ng Diyos at ang Ilaw ng Sanglibutan!