2012
Mga Regalong Hindi Mo Maibabalot
Disyembre 2012


Mga Regalong Hindi Mo Maibabalot

bukas na mga kamay

Sa panahon ng Kapaskuhan madalas matuon ang ating pansin sa pagbibigay ng mga regalo sa mga mahal natin sa buhay. Ngunit tandaan na ang ilan sa mga pinakamalalaking regalo ay iyong hindi mo maibabalot. Narito ang ilang hindi malilimutang mga regalo na maibibigay mo sa iyong mga magulang.

Paglilingkod

Isa sa mga pinakamalaking regalong maibibigay mo ay paglilingkod. Magugustuhan ito ng iyong mga magulang.

  • Linisin ang bahay.

  • Mag-alok na alagaan ang sanggol o maliit na bata.

  • Ayusin at linisin ang mesa.

  • Maghanda ng hapunan para sa iyong pamilya.

  • Hugasan ang mga plato o walisan ang sahig.

  • Tulungan ang isang kapatid sa kanyang homework.

  • Depende sa klima sa inyong lugar, alisin ang snow sa inyong daanan o tanggalin ang mga damo sa halamanan.

Oras ng Pamilya

Kahit na ikaw ay abala, mag-ukol ng panahon sa iyong pamilya. Ang iyong presensya ay tutulong sa pagsuporta sa iyong mga magulang, at pasasalamatan ka nila sa iyong mga pagsisikap.

  • Makibahagi sa family home evening (nang hindi na pinaaalalahanan tungkol dito).

  • Makipaglaro sa iyong mga kapatid.

  • Dumating sa oras ng pagkain ng pamilya.

  • Kausapin at pakinggan ang mga miyembro ng pamilya.

  • Makibahagi sa panalangin ng pamilya at pagbabasa ng banal na kasulatan.

  • Mag-ukol ng panahon sa iyong pamilya sa halip na sa mga kaibigan mo lamang, o anyayahan ang iyong mga kaibigan sa mga aktibidad ng pamilya (sa pahintulot ng iyong mga magulang).

Matibay na Pangako

Ipaalam sa iyong mga magulang na nangangako kang gawin ang isang bagay na mahalaga. Ang pinakamainam na paraan para maipakita ang iyong katapatan ay ang simulan na ito ngayon at patuloy itong gawin.

  • Maghandang magmisyon (para sa mga kabataang lalaki). Simulan na ngayon sa pamamagitan ng pag-iipon para sa misyon kung maaari.

  • Pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa araw-araw.

  • Itabi ang kaunting halaga ng iyong kinikita.

  • Pumasok sa paaralan nang hindi nagrereklamo at gawin sa oras ang iyong homework.

  • Dumalo sa seminary. Kung dumadalo ka sa seminary sa umaga, magkusang gumising.

  • Maghandang makasal sa templo. Gumawa ng listahan ng mahahalagang katangiang hahanapin sa mapapangasawa at pagkatapos ay sikaping taglayin ang mga katangiang iyon.

Saloobin

Pasasalamatan ng iyong mga magulang ang mabuting saloobin mo sa kanila at sa iba pang mga miyembro ng inyong pamilya.

  • Magkaroon ng positibong pananaw.

  • Huwag hanapan ng mali ang iyong mga magulang o mga kapatid.

  • Ugaliing magpasalamat, maging sa maliliit na bagay.

  • Sumulat ng liham ng pasasalamat sa iyong mga magulang sa lahat ng ginawa nila para sa iyo.

  • Lutasin ang mga hindi pagkakasundo sa pagitan mo at ng iyong mga magulang o mga kapatid nang hindi nagagalit o nakikipagtalo.

  • Literal—na bilangin ang natatanggap mong mga pagpapala. Gumawa ng listahan ng mga bagay na nagawa mo dahil sa suporta ng iyong mga magulang, at ipakita sa kanila ang listahang ito.

Mga paglalarawan ng Publishing Services at ni Robert Casey © IRI