Ang Ating Pahina
Ibig Nilang Makita ang Templo
Bumisita ang mga bata sa Primary ng La Florida Third Ward sa Santiago, Chile, sa bakuran ng templo kasama ang kanilang mga lider sa Primary at ang mga miyembro ng bishopric. Habang nililibot nila ang magagandang halamanan, pinag-usapan nila ang tungkol sa layunin ng mga templo, at kinanta nila ang “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99). Pinanood din nila ang isang video tungkol sa buhay ni Jesucristo.
Ituturo Ko ang Tungkol kay Propetang Joseph Smith
Sa Primary ay natutuhan namin ang “Unang Panalangin ni Joseph Smith” (Mga Himno, blg. 20), at ito ngayon ang paborito kong himno. Kapag misyonero na ako, ibabahagi ko ang kuwento tungkol sa Sagradong Kakahuyan sa mga taong tuturuan ko. Mahal ko si Jesucristo at si Propetang Joseph Smith. Alam ko na ang Simbahan ay totoo.
Axcel C., edad 5, Peru
Nasisiyahan Siya sa Family Home Evening
Nadama agad ni Helena C., edad 9, mula sa Costa Rica, na siya ay miyembro ng Simbahan pagkatapos siyang binyagan ng kanyang ama. Nasisiyahan siya sa mga lesson sa family home evening tungkol kay Jesucristo. Gusto rin niyang pumapasok sa paaralan at nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan.
Pumunta sa Templo
Ipinaaabot ko ang pagbati mula sa templo. Napakaganda ng araw na iyon nang ako at ang iba pang mga bata mula sa Libertad Ecuador Stake ay nakabisita sa bakuran ng Guayaquil Ecuador Temple. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga bata sa buong mundo na tingnan ang templo kung maaari silang pumunta rito—napakaganda ng lugar na ito.
Aida V., edad 10, Ecuador
Isang Chigiri-e ni Pangulong Monson
Sa loob ng anim na buwan, ang mga bata sa Primary ng Fuji Ward sa Shizuoka, Japan, ay gumawa ng isang chigiri-e, collage na yari sa papel na pinunit ng kamay, na naglalarawan kay Pangulong Thomas S. Monson. Ginugulan ito ng panahon at lakas, ngunit ang lahat ay sama-samang gumawa habang iniisip at natututuhan ang tungkol kay Pangulong Monson.