2014
Ako si Minna na mula sa Sweden
Disyembre 2014


Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Ako si Minna na mula sa Sweden

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Hallå, Vänner!*

Gusto ba ninyong manirahan sa isang schoolhouse? Si Minna at ang kanyang pamilya ay nakatira sa lalawigan sa dakong timog ng Sweden. Ang bahay nila ay dating schoolhouse maraming taon na ang nakakaraan. Sabi niya ang pinakamaganda roon ay may isang silid sa bahay na sapat ang laki para magkasya ang maraming tao. Pagsapit ng Disyembre, inaanyayahan ng pamilya ni Minna ang mga kapitbahay, kaibigan, at kamag-anak para sa isang espesyal na “kantahan.” Mga 80 katao ang dumarating para sumali sa pagkanta ng mga awiting Pamasko. Pagkatapos ay nagsalu-salo sila sa pagkain bago lumabas ang lahat sa lamig ng panahon sa Scandinavia.

  • “Hello, mga kaibigan!” sa Swedish

Ito ay isang malaking kalabasang zucchini na pinitas ko sa aming hardin.

Sa paaralan ako lang ang tanging miyembro ng Simbahan, kaya sinisikap kong ibahagi ang ebanghelyo sa aking mga kaibigan. Madalas kong isama ang ilang kaibigan ko sa paaralan sa mga aktibidad ng Primary. Ibig sabihin ay nagiging missionary na ako ngayon, tulad ng mga ate ko.

Gustung-gusto kong lumundag-lundag sa trampoline. Mahilig din akong tumugtog ng piyano at plauta.

Ako ay 10 taong gulang at bunso ako sa 9 na magkakapatid sa aming pamilya. Dalawa sa mga ate ko ang nasa misyon—isa sa France at ang isa pa ay nasa Temple Square sa Utah.

Isa sa mga paborito kong ginagawa namin ng aking pamilya ang magbiyahe pahilaga papunta sa Stockholm na siyang kabisera ng Sweden. Gustung-gusto kong bisitahin ang lolo’t lola ko at iba pang mga kamag-anak na nakatira doon.

Mahilig mag-swimming nang sama-sama ang pamilya ko. Sa tag-init, pumupunta kami sa isang lawa malapit sa bahay namin. Sa taglamig, pumupunta kami sa isang pasilidad na maraming pool at waterslide sa loob.

Larawan ng Stockholm na kuha ni Mark Oleksiy/Hemera/Thinkstock; mga paglalarawan ni Brad Teare