Mga Kabataan
Matuto sa Karanasan ng Iba
Nagsalita si Pangulong Uchtdorf mula sa personal niyang karanasan nang ituro niya na “ang mga di-malilimutang Pasko ay maaaring yaong pinakahamak.” Marami tayong matututuhan mula sa mas naunang henerasyon; maraming matatanda ang nabuhay noong panahon ng digmaan, walang trabaho, maysakit, o may iba pang mga pagsubok na kinaharap. Magpakuwento sa mas matatandang miyembro ng inyong ward o branch tungkol sa pinakamakabuluhan nilang Pasko. Maaari ninyong isulat ang kanilang mga kuwento. Sikaping matuto mula sa kanilang halimbawa sa higit na pagtutuon sa Paskong ito sa pagbibigay ng taos na paglilingkod at pag-alaala sa Tagapagligtas.