2014
Insights
Disyembre 2014


MGA KABATIRAN

Sa anong mga paraan naging Liwanag ng Mundo si Jesucristo?

“[Si Jesucristo] ang Ilaw ng Betlehem, isinilang ni Maria, na Kanyang mortal na ina, at ng Kanyang Ama, ang Makapangyarihang Diyos.… Siya ang Ilaw ng Pagbabayad-sala na isinagawa sa Halamanan ng Getsemani at sa Golgota, na umako sa Kanyang sarili ng mga kasalanan ng sanlibutan, upang [magtamo ng walang hanggang kaligtasan] ang buong sangkatauhan. Siya ang Ilaw ng walang-lamang puntod, ang nabuhay na mag-uling Panginoon na may niluwalhating katawan ng laman at buto, na kumalag sa mga gapos ng kamatayan at nagkamit ng walang hanggang tagumpay laban sa libingan.… Siya ang aking Ilaw, aking Manunubos, aking Tagapagligtas—at inyo rin.”

Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mula sa Kadiliman Tungo sa Kanyang Kagila-gilalas na Kaliwanagan,” Liahona, Hulyo 2002, 79, 80.