2014
Yancy
Disyembre 2014


Yancy

“At ngayon nais ko na kayo ay maging mapagpakumbaba, at maging masunurin at maamo” (Alma 7:23).

Gusto naming magkakapatid na magkaroon ng kabayo. Noong ako ay mga 9 o 10 taong gulang, bumili si Itay ng maganda at itim na kabayong babae. Pinangalanan namin siyang Yancy. Tuwang-tuwa kaming mapasaamin ang kabayong ito, pero hindi ito nasanay na masakyan. Napakabata pa namin para gawin ang lahat ng mahihirap na gawain sa pagtuturo ng kabayo, kaya nagpatulong si Itay sa isang kaibigan na maraming alam tungkol sa kabayo sa pagtuturo kay Yancy.

Madalas kaming pumunta sa pastulan para makita si Yancy. Sabik na kaming dumating ang araw na puwede na namin siyang masakyan. Ngunit gaano man ang pagsisikap ng sinuman, walang makapagturo kay Yancy. Napakatigas ng ulo nito. Hindi namin siya nasakyan kahit kailan.

Isang araw sinubukan ng kaibigan ni Itay na sakyan siya sa isang parada. Nang papunta na sa kalsada si Yancy at ang sakay niya, umalma si Yancy at nahulog ang sakay niya at nagtatakbo siya sa buong lungsod. Nagwala sa pagtakbo si Yancy kaya’t nasugatan ang kanyang binti sa isang fire hydrant. Hinabol ko si Yancy at nakita ko siya sa kalsada na nakahandusay sa sakit.

Nalungkot ako. Mahal namin si Yancy. Kung naging masunurin lang siya sa tagasanay, naging masaya sana siyang kabayo na may magandang buhay. Pero ayaw makinig at ayaw sumunod ni Yancy sa kanyang amo. Sa halip ay sugatan siya ngayon at nakahandusay sa gitna ng kalsada.

Itinuro sa akin ng kuwento tungkol kay Yancy ang mga pagpapalang dumarating kapag sinunod natin ang Panginoon, ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Kapag tayo ay mabait at maamo at mapagpakumbaba, maaari tayong maging masaya kapag nagpaakay tayo sa Tagapagligtas.

Paglalarawan ni Dan Burr