2014
Inaalala at Sinasamba Natin ang Ating Tagapagligtas na si Jesucristo
Disyembre 2014


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Inaalala at Sinasamba Natin ang Ating Tagapagligtas na si Jesucristo

Ang mga awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Alamin ang iba pa tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito!

Noong araw ipinahayag ng Ama sa Langit sa Kanyang mga propeta ang tungkol sa napakagandang regalong ipagkakaloob Niya sa buong mundo. Ang regalo ay ang sarili Niyang Anak na si Jesucristo, na paparito sa mundo upang maging Tagapagligtas natin. Ipapakita sa atin ni Jesus kung paano mamuhay upang makabalik tayo sa Ama sa Langit. Inasam ng mga propeta nang buong kagalakan ang panahon ng pagsilang ni Jesus.

Nang ipahayag ng mga anghel sa mga pastol malapit sa Betlehem na isinilang na ang natatanging sanggol na Anak ng Diyos, nakadama sila ng malaking kagalakan. Nagmadali silang makita at sambahin Siya.

Sa mga lupain ng Amerika, alam ng mga Nephita na isinilang na Siya nang manatiling maliwanag ang kalangitan sa buong magdamag kahit lubog na ang araw. Nakadama rin sila ng malaking kagalakan at pinasalamatan ang Ama sa Langit sa pagkakaloob ng Kanyang Anak.

Sa ating panahon inaalala at ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesucristo sa Kapaskuhan. Ipinapakita natin ang ating kagalakan at pasasalamat sa regalo ng ating Tagapagligtas sa pagsunod sa Kanyang halimbawa ng pagmamahal sa ibang tao sa maraming paraan sa abot-kaya natin.

Kaliwa: paglalarawan ni Paul Mann