2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Disyembre 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Ang Pagsapi sa Simbahan ay Maaaring Mahirap: Mga Kuwento ng mga Nabinyagan,” pahina 50: Isiping talakayin sa inyong pamilya ang mga kuwento ng pagsapi ng mga miyembro sa artikulong ito. Maaari din ninyong basahin ang listahan ng 10 hamon na kinakaharap ng mga nabinyagan (kasama sa artikulo). Bilang pamilya, tukuyin ang mga bagong miyembro sa inyong ward o branch o mga miyembrong nagsisimulang bumalik sa pagkaaktibo sa Simbahan. Pagkatapos ay magtulung-tulong sa pagbuo ng plano na kaibiganin ang mga miyembrong iyon at suportahan sila sa pagsisikap na magkaroon ng lakas na makibagay sa mga miyembro at sa kultura at espirituwal na lumago.

“Inaalala at Sinasamba Natin ang Ating Tagapagligtas na si Jesucristo,” pahina 68, at “Ang Unang Pasko,” pahina 74: Ipagdiwang ang pagsilang ng Tagapagligtas sa isa sa maraming ideya ukol sa Pamaskong aktibidad sa isyung ito. Halimbawa, maaari ninyong gupitin ang mga kahon sa pahina 69 at ipasiya bilang pamilya kung paano ninyo ipapakita ang inyong pagmamahal sa Tagapagligtas sa Kapaskuhang ito at sa buong taon. Maaari din ninyong gamitin ang script sa pahina 74 bilang gabay para matulungan ang inyong pamilya na isadula ang tagpo ng pagsilang ni Jesus. Ang dalawang aktibidad na ito ay maaaring kapwa makatulong sa inyong mga anak na matutong ituon ang kanilang isipan sa Tagapagligtas sa Kapaskuhan.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.