Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.
Tagapagsalita |
Kuwento |
Neil L. Andersen |
(119) Sinabi ni dating Elder Thomas S. Monson kay Neil L. Andersen na ang Panginoon ay nagbubukas ng mga pintuan at nagsasagawa ng mga himala. Ang pananampalataya ng isang mag-asawa sa Thailand ay nanatiling matatag matapos maparalisa ang lalaki. Pagkatapos ng pulong sa Ivory Coast, dalawang mag-asawang Banal sa mga Huling Araw ang nagtayo ng kaharian ng Diyos doon. |
Wilford W. Andersen |
(54) Sinabi ng isang Katutubong Amerikano sa isang doktor na matuturuan niya ang doktor na sumayaw ngunit kailangan niyang pakinggan ang musika. |
David A. Bednar |
(46) Noong bata pa siya, natakot mabilanggo si David A. Bednar nang mabasag niya ang bintana ng isang tindahan. |
Linda K. Burton |
(29) Sinabi ng isang ama sa kanyang mga anak na magiging ligtas sila kung mananatili sila sa loob ng bakod na yari sa pisi na nakapaligid sa kanilang bakuran. Ginabayan ng Panginoon ang isang sister sa paglikha nilang mag-asawa ng isang tahanan kung saan malugod na tatanggapin ang Espiritu. |
Gérald Caussé |
(98) Matapos tumira nang 22 taon sa Paris area, natanto ng pamilya Caussé na hindi nila nabisita ang Eiffel Tower kahit kailan. Naglakad nang mahigit 300 milya (480 km) ang tatlong lalaking African para dumalo sa isang district conference, magbayad ng ikapu, at bumili ng mga kopya ng Aklat ni Mormon. |
D. Todd Christofferson |
(50) Hinikayat at ipinagdasal ni D. Todd Christofferson ang isang babae na nakaramdam ng kakulangan bilang ina. |
L. Whitney Clayton |
(36) Nakita ng isang pitong-taong-gulang na batang babae na nakaligtas sa isang bumagsak na eroplano ang isang liwanag sa malayo hanggang sa makarating siya roon nang ligtas. |
Quentin L. Cook |
(62) Napatay ang sundalong tiyo ni Quentin L. Cook sa pakikipaglaban noong World War II. Isang miyembro ng Simbahan na Samoan na nais ipagdasal ang kanyang karamdaman ang nakipagkita sa doktor upang alamin kung ano ang sakit niya. |
Cheryl A. Esplin |
(8) Dumalo si Cheryl A. Esplin sa isang miting kung saan nalaman ng kababaihan na ang katotohanan at ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng lakas sa kanilang tahanan at pamilya na mapaglabanan ang kasamaan. Tumanggap ng malakas na impresyon ang kapatid na babae ng lolo-sa-tuhod ni Cheryl A. Esplin tungkol sa pagbabahagi ng kanyang patotoo. |
Henry B. Eyring |
(17) Naghatid ng kapanatagan at lakas ang Espiritu Santo sa nagdadalamhating mga magulang ng isang batang lalaking namatay sa isang aksidente. (22) Nadama ni Henry B. Eyring na mapalad siya na maaaring makatulong ang kanyang fast offering sa mga Banal sa Vanuatu na winasak ng bagyo. Pinasalamatan ng isang sister ang mga fast offering na nakatulong sa kanya at sa iba pang mga miyembro ng Simbahan noong may digmaang sibil sa Sierra Leone. (84) Habang nangongolekta ng mga fast offering ang 13-taong-gulang na si Henry B. Eyring, pinaalis siya ng isang lalaki. Nagkainspirasyon si Henry B. Eyring na basbasan ang isang sugatang bata para mabuhay. Binigyang-inspirasyon ng Espiritu Santo ang isang lalaking malapit nang mamatay na maglingkod sa kanyang tungkulin at madama ang bigat ng pasanin ng kanyang bishop. |
Larry M. Gibson |
(77) Ang ama ni Larry M. Gibson ay binigyan siya ng dolyar na pilak para ipaalala sa kanya ang kanyang walang-hanggang tadhana. Naglakad si Larry M. Gibson nang 50 milya (80 km) sa loob ng 19 na oras kasama ang kanyang mga anak. |
Jeffrey R. Holland |
(104) Iniligtas ng isang binatilyo ang kanyang kuya mula sa pagkahulog sa gilid ng bangin sa pagsunggab sa kanyang mga pulsuhan at paghatak sa kanya tungo sa kaligtasan. |
Thomas S. Monson |
(88) Bilang deacon, nadama ni Thomas S. Monson na mapalad siyang makapagdala ng sakramento sa isang lalaking maysakit. Napamahal kay Thomas S. Monson ang Aklat ni Mormon matapos niyang dalawin ang puntod ni Martin Harris. Habang nasa navy, binigyan ni Thomas S. Monson ng basbas ng priesthood ang isang kaibigan, na gumaling. (91) Matapos manalangin sa templo tungkol sa pagbalik sa kanyang misyon, tumanggap ng katiyakan ang isang binata mula sa isang returned missionary na doon din nagmisyon. |
Brent H. Nielson |
(101) Patuloy na minahal ni Brent H. Nielson at ng mga miyembro ng kanyang pamilya ang isang di-gaanong aktibong kapamilya para bumalik ito sa Simbahan. |
Bonnie L. Oscarson |
(14) Nanindigan ang isang dalaga sa Italy noong 1850 sa harap ng mga mandurumog. Ipinagtatanggol ng anak na babae ni Bonnie L. Oscarson ang pagiging ina sa paaralan ng kanyang mga anak. |
Boyd K. Packer |
(26) Naghintay si Boyd K. Packer sa labas ng silid-aralan sa kolehiyo ng kanyang magiging asawang si Donna Smith para mabigyan siya nito ng isang cookie at isang halik. |
Kevin W. Pearson |
(114) Ipinagdasal ni Pangulong Heber J. Grant na manatili siyang tapat hanggang wakas. Nagbitiw sa trabaho si Kevin W. Pearson para tanggapin ang tawag na maging mission president. |
Rafael E. Pino |
(117) Natutuhan ng mga anak ni Rafael E. Pino na pahalagahan ang pagtanaw mula sa malayo sa isang palabas sa telebisyon at sa isang jigsaw puzzle. Tinanong ng isang batang lalaki si Michelangelo kung paano niya nalaman na ang pigura ni David ay nasa isang blokeng marmol. |
Dale G. Renlund |
(56) Tinuruan ng isang ina sa South Africa ang kanyang anak na babae ng pagpaparaya. Nakatanggap ng impresyon ang isang missionary na tumulong sa kanya na pagpasensyahan ang kanyang kompanyon. |
Michael T. Ringwood |
(59) Nalaman ni Michael T. Ringwood sa kanyang misyon at sa seminary na ang pinakamahalagang paglilingkod ay karaniwang Diyos lamang ang kumikilala. |
Ulisses Soares |
(70) Binalaan ng isang deacon ang kanyang mga kaklase tungkol sa pornograpiya. Natutuhan ni Ulisses Soares sa kanyang misyon na hindi maaaring hadlangan ng kasamaan ang kapangyarihan ng patotoo ng isang disipulo. |
Joseph W. Sitati |
(126) Iniahon ni Joseph W. Sitati ang kanyang sarili mula sa abang kalagayan sa pagtatamo ng magandang edukasyon. |
Carole M. Stephens |
(11) Binisita ni Carole M. Stephens ang isang Katutubong Amerikanang babae sa Arizona, USA, na itinuturing sa kanyang sarili na isang lola sa lahat ng tao. |
Dieter F. Uchtdorf |
(80) Bumuo aang isang gobernador sa Russia ng mga kunwa-kunwariang mga magsasaka at tindahan para pahangarin ang bumibisitang mga kinatawan. Nagtakda ng mga mithiin ang mga lider ng stake na nakatuon sa kanilang ministeryo. |
Rosemary M. Wixom |
(93) Muling pinagningas ng isang di-gaanong aktibong sister ang kanyang pananampalataya matapos mag-aral ng ebanghelyo, magbasa ng Aklat ni Mormon, at matanggap ang suporta ng mga miyembro ng pamilya at ward. |
Jorge F. Zeballos |
(123) Pinayagan ng ama ng 12-taong-gulang na si Jorge F. Zeballos na sumapi sa Simbahan. Tinanggap ng isang tapat na mag-asawa ang kalooban ng Ama sa Langit nang mamatay ang kanilang anak. |