Stephen W. Owen
Young Men General President
Noong 14 na taong gulang si Stephen W. Owen, inupahan siya ng kanyang kapitbahay na tabasin ang mga damo sa malawak na bakuran nito at tanggalan ng mga damo ang hardin nito kada linggo. “Inabot ako ng tatlong araw sa pagtabas ng damuhan,” sabi ng nakangiting si Brother Owen, na sinang-ayunan noong Abril 4, 2015, bilang Young Men general president.
Nang sa wakas ay matapos na ang binatilyong si Stephen, hiniling ng matalinong kapitbahay niya na samahan siya na maglakad-lakad sa buong hardin para maituro ang isa o ilang damo na hindi natabas.
“Sinabi niya sa akin na kailangan kong bunutin ang bawat damo,” sabi niya. “Iyon ang una kong trabaho at nakatulong ito sa akin na maunawaan ang ibig sabihin ng maging responsable sa tungkulin.”
Si Brother Owen ay may natutuhan pang mga aral nang taong iyon na higit pa sa pag-aalaga ng damuhan at hardin. Ang isa sa mga aral na iyon ay natuklasan niya na matatagpuan ang kasiyahan sa paggawa ng mahihirap na bagay sa tamang paraan. Nalaman din niya ang kahalagahan ng mga tagapagturo.
Ang inasahan lamang ng kapitbahay ay ang pinakamahusay na magagawa ni Stephen. “Para bang sinasabi niya sa akin, ‘alam ko ang maaari mong kahinatnan, at gusto kitang tulungan.’”
Bawat kabataang lalaki sa Simbahan, dagdag pa niya, ay kailangan ng gayong mga tagapagturo na makatutulong sa kanya na maging pinakamabuting mayhawak ng priesthood na maaari niyang kahinatnan. “Lubos ang pagmamalasakit ko sa mga kabataan,” sabi niya. “Mahal ko sila at alam kong ito ang mahalagang panahon na magtatakda ng huwaran para sa buong buhay nila.”
Si Brother Owen ay naglingkod sa Texas San Antonio Mission at kalaunan ay naglingkod bilang Scoutmaster, ward Young Men president, bishop, high councilor, at stake president.
Sa Holladay, Utah, ang katutubo roon ay namuno rin sa California Arcadia Mission mula 2005 hanggang 2008, kung saan naglingkod siya kasama ang kanyang asawang si Jane Stringham Owen. Sila ay ikinasal noong Disyembre 28, 1979, sa Provo Utah Temple. Sila ay may limang anak.
Isinilang siya noong Marso 22, 1958, sa Salt Lake City, Utah, kina Gordon at Carolyn Owen. Siya ay nagtapos sa University of Utah sa kursong finance at pangulo ng Great Harvest Bread Company sa Provo, Utah.