2015
Ulat ng Auditing Department ng Simbahan, 2014
Mayo 2015


Ulat ng Auditing Department ng Simbahan, 2014

Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Mga Minamahal na Kapatid: Tulad ng nakasaad sa paghahayag sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes—na binubuo ng Unang Panguluhan, ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Presiding Bishopric—ang nagpapahintulot sa paggugol ng pondo ng Simbahan. Ginugugol ng mga unit ng Simbahan ang mga pondo alinsunod sa inaprubahang mga badyet, patakaran, at pamamaraan.

Ang Church Auditing Department, na binubuo ng mga lisensyadong propesyonal at hiwalay sa lahat ng iba pang mga departamento ng Simbahan, ang may tungkuling magsagawa ng mga audit sa layon na makapagbigay ng katiyakan hinggil sa natanggap na mga kontribusyon, pondong ginugol, at sa pangangalaga ng mga ari-arian ng Simbahan.

Batay sa isinagawang mga audit, naniniwala ang Church Auditing Department na, sa lahat ng materyal na aspeto, ang natanggap na mga kontribusyon, pondong ginugol, at ari-arian ng Simbahan para sa taong 2014 ay naitala at napangasiwaan alinsunod sa inaprubahang badyet ng Simbahan, mga patakaran, at angkop na mga gawain sa accounting. Sinusunod ng Simbahan ang mga itinuturo sa mga miyembro nito na mamuhay ayon sa kinikita, iwasan ang mangutang, at mag-impok para sa panahon ng pangangailangan.

Buong paggalang na isinumite,

Church Auditing Department

Kevin R. Jergensen

Managing Director