Mga Turo para sa Ating Panahon
Mula Mayo 2015 hanggang Oktubre 2015, ang mga aralin sa Melchizedek Priesthood at Relief Society tuwing ikaapat na Linggo ay dapat ihanda mula sa isa o mahigit pang mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2015. Sa Oktubre 2015, maaaring pumili ng mga mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2015 o kaya’y ng Oktubre 2015. Ang mga stake at district president ang dapat pumili ng mga mensaheng gagamitin sa kanilang lugar, o maaari nilang iatas ang responsibilidad na ito sa mga bishop at branch president.
Ang mga dumadalo sa mga aralin sa ikaapat na Linggo ay hinihikayat na pag-aralan ang mga piniling mensahe bago ang klase. Ang mga mensahe sa kumperensya ay makukuha sa maraming wika sa conference.lds.org.