2015
Elder Vern P. Stanfill
Mayo 2015


Elder Vern P. Stanfill

Unang Korum ng Pitumpu

Naniniwala si Elder Vern Perry Stanfill na walang anumang bagay na nagkataon lang. Naniniwala siya na may mga pagkakaugnay-ugnay sa buhay na ito sa pagitan ng mga tao dahil sa layunin at na mahihikayat ng Panginoon ang Kanyang mga anak na maging isang pagpapala sa iba.

Gustung-gusto ni Elder Stanfill na paglingkuran ang iba sa ebanghelyo, lalo na sa pagtulong sa mga tao nang personal.

Isinilang noong Agosto 8, 1957, kina Jed at Peggy Stanfill, si Elder Stanfill ay lumaki sa rantso ng mga baka malapit sa Townsend, Montana. Natutuhan niya ang kahalagahan ng kasipagan at nagkaroon ng patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Pangatlo sa apat na anak, si Elder Stanfill ay may dalawang nakatatandang kapatid na lalaki at isang bunsong kapatid na babae na tapat na naglingkod sa Simbahan.

“Ang kamay ng Panginoon ay naroon sa aming buhay sa kabila ng aming mga kahinaan,” sabi niya. “Kaming mag-asawa ay hindi perpektong tao. Wala kaming perpektong pamilya. Kami ay mga ordinaryong lamang na nagsisikap na mamuhay araw-araw at tinutulutan ang Panginoon na maging bahagi nito.”

Matapos magmisyon sa Toulouse, France, at mag-aral ng kursong agricultural economics sa Brigham Young University, nakilala niya at pinakasalan si Alicia Cox. Sila ay ikinasal noong Disyembre 17, 1980, sa Salt Lake Temple.

Pagkatapos ng pag-aaral, ang mga Stanfill ay bumalik sa Montana para makatulong siya sa pamamahala ng rantso ng pamilya, nangasiwa sa mga baka, dayami, at mga butil. Ipinagbili niya ang negosyo noong 1998 at nagsimulang pamahalaan ang portfolio ng mga lupain at pananalapi, gayundin ang pangangasiwa sa pagkakawanggawa at mga personal na ari-arian.

Si Elder Stanfill ay naging bahagi ng aviation industry bilang negosyo at libangan at hawak ang commercial fixed wing at rotorcraft ratings.

Bukod pa sa pagpapalaki nila ng kanyang asawa ng apat na anak na babae, si Elder Stanfill ay nagkaroon ng pagkakataong maglingkod sa Simbahan bilang elders quorum president, bishop, high councilor, stake president, at Area Seventy. Siya ay naglilingkod sa Sixth Quorum ng Pitumpu nang tawagin siya sa First Quorum.