2015
Elder Kim B. Clark
Mayo 2015


Elder Kim B. Clark

Unang Korum ng Pitumpu

Ang patuloy na pag-aaral—bilang estudyante at guro—ay makatutulong kay Elder Kim Bryce Clark sa kanyang bagong tungkulin sa Unang Korum ng Pitumpu. Sinang-ayunan noong Abril 4, 2015, si Elder Clark ay magsisimula sa kanyang paglilingkod ilang linggo pagkaraang matapos niya ang kanyang mga gawain bilang pangulo ng Brigham Young University–Idaho.

“Limang taong gulang pa lang ako ay nag-aral na ako,” sabi ng bagong tawag na Pitumpu. “Gusto kong natututo at nagtuturo.”

Siya ay isinilang sa Salt Lake City, Utah, noong Marso 20, 1949, kina Merlin at Helen Mar Clark, ang panganay sa tatlong anak. Ginugol niya ang kanyang kabataan sa Salt Lake City hanggang edad 11, nang magtrabaho ang kanyang ama sa Spokane, Washington.

Bagama’t nagplano siyang mag-aral sa Brigham Young University sa Provo, Utah, noong siya ay junior high school, nadama niya na kailangan niyang subukan ang iba pang mga opsyon at nagpasiyang mag-aral sa Harvard University sa Massachusetts—isang lugar na kalaunan ay magiging tahanan niya nang mahigit tatlong dekada.

Matapos ang kanyang unang taon ng pag-aaral sa Harvard, naglingkod si Elder Clark sa South German Mission mula 1968 hanggang 1970. Pagbalik niya nag-aral siya sa BYU, kung saan nakilala niya si Sue Lorraine Hunt sa kanyang ward. Nagpakasal sila pagkaraan ng ilang buwan noong Hunyo 14, 1971. Sila ay may pitong anak.

Pagkatapos ng kasal nila, lumipat ang mag-asawa sa Boston, Massachusetts, kung saan nag-aral muli si Elder Clark sa Harvard. Nagtapos siya roon ng bachelor of arts, master of arts degree, at PhD—lahat ay sa economics. Si Elder Clark ay naging miyembro ng faculty ng Harvard Business School noong 1978 at kalaunan ay naging dean sa paaralan noong 1995. Noong 2005 siya ay naging pangulo ng BYU–Idaho, kung saan siya naglingkod nang halos isang dekada.

Si Elder Clark ay naglingkod bilang elders quorum president, ward executive secretary, counselor sa bishopric, bishop, high councilor, counselor sa stake mission presidency, at Area Seventy.