2015
Elder Von G. Keetch
Mayo 2015


Elder Von G. Keetch

Unang Korum ng Pitumpu

Dumating ang isang mahalagang sandali sa buhay ni Elder Von G. Keetch habang tinatapos niya ang judicial clerkship kina Chief Justice Warren E. Burger at Justice Antonin Scalia ng United States Supreme Court at naghahanda sa pagtatrabaho bilang abogado.

Maaari sana siyang magtrabaho sa anumang lungsod sa Estados Unidos para sa iba’t ibang malalaking law firm. Sa halip, siya at ang kanyang asawang si Bernice Pymm Keetch ay nagdasal na malaman kung ano ang dapat nilang gawin. Pagkaraan ng mahabang pag-iisip at dalangin, nagbalik ang mag-asawa sa Salt Lake City, Utah, kung saan siya nagtrabaho sa law firm ni Kirton McConkie.

Noong panahong iyon, naisip ni Elder Keetch na baka naisasakripisyo niya ang kanyang kakayahang magtrabaho sa mga bagong kaso para maging malapit sa pamilya. Sa halip, bilang abogadong nagtatrabaho mula sa ibang kompanya para sa Simbahan, si Elder Keetch ay nakipagdebate sa mga isyu sa konstitusyon at sa mga dati nang usapin tungkol sa kalayaang pangrelihiyon. Kinatawan niya ang halos bawat pangunahing relihiyon sa bansa. “Gustung-gusto kong magtrabaho para sa mabubuting kliyente at mapagtagumpayan ang malalaking usapin,” sabi niya.

Isinilang noong Marso 17, 1960, sa Provo, Utah, kina Gary at Deanne Keetch, si Elder Keetch ang panganay sa apat na anak. Ang kanyang pamilya ay nakatira sa Orem, Utah, bago lumipat sa Pleasant Grove, Utah—kung saan siya at ang kanyang magiging asawa ay magkasamang maglilingkod sa kanilang high school seminary council.

Si Elder Keetch ay naglingkod sa Germany Dusseldorf Mission at minahal ang mga tao sa Germany. Nang makauwi na mula sa misyon, pinakasalan niya si Bernice Pymm sa Salt Lake Temple noong Nobyembre 21, 1981; sila ay may anim na anak. Si Elder Keetch ay nagtapos ng political science sa Brigham Young University noong 1984 at tumanggap ng law degree sa unibersidad noong 1987.

Sa nakalipas na mga taon, si Elder Keetch, na sinang-ayunan noong Abril 4, 2015, sa Unang korum ng Pitumpu, ay naglingkod sa mga bishopric, high council, bilang stake president, at bilang Area Seventy.