2015
Ang Aklat ni Mormon sa 110 Wika
Mayo 2015


Ang Aklat ni Mormon sa 110 Wika

Sa paglalathala nitong nakaraan sa wikang Kosraean, ang Aklat ni Mormon ay naisalin na ngayon sa 110 wika. Ang Kosrae ay isang isla sa Federated States ng Micronesia.

Ang nailathalang mga Aklat ni Mormon sa wikang Kosraean ay makukuha sa Hulyo 2015. Ang mga digital version ay makukuha na sa LDS.org, gayon din sa Gospel Library at Book of Mormon mobile apps, noong Marso. Ang Simbahan ay naglalabas ngayon ng mga digital version ng mga banal na kasulatan kasabay ng paglilimbag ng mga aklat. Dahil dito nakukuha ng mga miyembro ang bagong naisaling mga banal na kasulatan nang mas maaga.

Ang ilang bagong pagsasalin ng mga banal na kasulatan ay ibabalita sa susunod na dalawang taon. Tatlong bagong pagsasalin ng Aklat ni Mormon at limang karagdagang pagsasalin ng triple combination (ang Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas na nasa iisang edisyon) ang mailalathala sa 2015. Ipapabatid sa mga miyembrong nagsasalita ng mga wikang iyon kapag mayroon nang digital version.