Douglas D. Holmes
Unang Tagapayo sa Young Men General Presidency
“Ang henerasyong ito ng mga kabataan ay mas may kakayahang sumunod kaysa sa mga nakaraang henerasyon. Palagay ko iyan ay bahagi ng takdang panahon ng Panginoon at paghahanda para sa mga panahong nabubuhay tayo,” sabi ni Brother Douglas D. Holmes, na sinang-ayunan noong Abril 4, 2015, bilang unang tagapayo sa Young Men general presidency.
Si Brother Holmes ay isinilang noong Pebrero 27, 1961, sa Salt Lake City, Utah, kina Dee W. at Melba Howell Holmes at lumaki sa Cottonwood Heights, Utah.
Matapos maglingkod sa Scotland Glasgow Mission mula 1980 hanggang 1982, si Brother Holmes ay nagtapos ng bachelor‘s degree sa family science mula sa Brigham Young University noong 1986 at nagtapos ng master degree sa business administration sa Marriott School of Management.
Nang makatapos, siya ay naging management consultant sa loob ng tatlong taon at pagkatapos ay nagtrabaho sa telecommunications industry, naging executive vice president ng strategy at corporate development para sa Media One group. Mula 2000 hanggang sa matawag bilang mission president noong 2010 at muli noong 2013, siya ay self-employed sa investment at real estate development.
Iniukol niya ang marami niyang panahon at talento sa mga nonprofit organization, naglingkod sa mga lupon ng United Way of Davis County, Utah; Parents for Choice in Education; sa Safe Harbor Women’s Shelter sa Davis County; at sa Academy for Creating Enterprise.
Naglingkod siya bilang ward mission leader, ward Young Men president, bishop, at nitong huli ay bilang tagapayo sa stake presidency. Pinamunuan niya ang Michigan Detroit Mission mula 2010 hanggang 2013.
Pinakasalan niya si Erin Sue Toone noong Hunyo 22, 1985, sa Salt Lake Temple. Mayroon silang anim na anak.
“Nakita namin ang kapangyarihan ng salita sa aming buhay,maging ito man ay salita ng mga propeta o salita ng mga banal na kasulatan o mga bulong ng Espiritu Santo,” sabi ni Brother Holmes.