2015
Elder Hugo Montoya
Mayo 2015


Elder Hugo Montoya

Unang Korum ng Pitumpu

Si Elder Hugo Montoya ay lubhang nag-alala nang tawagin siya sa Unang korum ng Pitumpu. Napanatag siya sa magiliw na salita ni Pangulong Thomas S. Monson sa isang pulong sa pagsasanay para sa mga bagong General Authority: “Narito kayo dahil sa pagmamahal ninyo sa Tagapagligtas.” Nakadama ng sigla si Elder Montoya, batid na inilagay siya ng kanyang bagong tungkulin sa paglilingkod sa Panginoon.

“Mahal ko ang Tagapagligtas, at pupunta ako saanman ako papuntahin,” sabi niya. “Gagawin ko anuman ang ipagawa sa akin. Sasabihin ko anuman ang ipasabi sa akin.” Si Elder Montoya ay sinang-ayunan sa sesyon sa Sabado ng hapon ng ika-185 Taunang Pangkalahatang Kumperensya ng Simbahan.

Si Elder Montoya ay napapalakas din ng pamana ng pananampalataya ng kanyang pamilya. Ang kanyang lolo-sa-tuhod na si Rafael Monroy ay mahalagang tao sa kasaysayan ng Simbahan sa Mexico. Noong 1915 si Brother Monroy at isa pang miyembro, si Vicente Morales, ay dinakip ng isang grupo ng rebolusyonaryo noong Mexican Revolution. Ang dalawang lalaki ay sinabihan na pakakawalan sila kung, kabilang ang iba pang mga kahilingan, kanilang tatalikuran ang kanilang relihiyon.

Tumanggi ang dalawa at ipinapatay sila sa pamamagitan ng firing squad.

Sinabi ni Elder Montoya na ang halimbawa ng kanyang lolo-sa-tuhod ay nananatiling malakas na impluwensya sa kanyang buhay. “Nalaman ko na ang takot ay madaraig ng pananampalataya at patotoo kapag alam mo na ginagawa mo ang tama.”

Si Elder Montoya ay isinilang noong Abril 2, 1960, sa Fresno, California, kina Abel Montoya at Maclovia Monroy. Nanirahan siya sa Mexico halos buong buhay niya.

Pinakasalan niya si Maria del Carmen Balvastro sa Hermosillo; nabuklod sila sa Mesa Arizona Temple noong Abril 6, 1983. Sila ay may limang anak.

Matapos magmisyon sa Mexico City North Mission mula 1979 hanggang 1981, siya ay naglingkod bilang ward Young Men president, high councilor, bishop, stake president, area auditor, at Area Seventy.

Siya ay nagtapos sa Sonora State University noong 1986 sa kursong agricultural engineering at nagtrabaho sa ilang managerial position sa Xerox at bilang guro sa institute ng Simbahan.