2016
Mga Kard ng Natatanging Saksi
Disyembre 2016


Mga Kard ng Natatanging Saksi

Special Witness cards 1
Special Witness cards 2
Special Witness cards 3
Special Witness cards 4

Gamitin ang mga kard na ito para malaman pa ang iba tungkol sa mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Maaari mo ring kopyahin ang mga kard at gumawa ng matching game. Maaari kang mag-print ng mas marami pang kopya sa liahona.lds.org.

Pangulong Thomas S. Monson

Ika-16 na Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

  • Tinawag sa edad na 22 na maglingkod bilang bishop ng isang ward na maraming balo

  • Nagtrabaho sa lathalaan at palimbagan ng pahayagan

  • Naging mission president sa Canada

Pangulong Henry B. Eyring

Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan

  • Naglaro ng basketball sa high school

  • Natuto ng physics mula sa kanyang ama gamit ang pisara sa basement nila

  • Naging pangulo ng Ricks College, na ngayon ay Brigham Young University–Idaho

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan

  • Tumakas kasama ang kanyang pamilya papuntang West Germany bilang mga refugee ng digmaan

  • Isang piloto ng eroplano

  • Mahilig mag-ski kasama ang kanyang mga anak at apo

Pangulong Russell M. Nelson

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Dating heart surgeon

  • Naglingkod bilang doktor sa U.S. Army sa Korea at Japan

  • May 10 anak—9 na babae at 1 lalaki

Elder Dallin H. Oaks

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naglinis ng radio repair shop bilang unang trabaho

  • Naging abugado at hukom sa Utah Supreme Court

  • Naging pangulo ng Brigham Young University

Elder M. Russell Ballard

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Tinaguriang “ang bishop” sa kolehiyo dahil sa kanyang matataas na pamantayan

  • Nagpatakbo ng isang car dealership

  • Hinihikayat ang mga miyembro na maging missionary

Elder Robert D. Hales

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Lumaki sa New York, USA

  • Naging pitcher sa baseball team ng kanyang eskuwelahan

  • Dating jet fighter pilot sa United States Air Force

Elder Jeffrey R. Holland

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naging mission companion ni Elder Cook sa England

  • Nagtrabaho sa Church Educational System

  • Naging pangulo ng Brigham Young University

Elder David A. Bednar

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Dating quarterback sa kanyang high school football team

  • Pagkatapos magmisyon, bininyagan ang kanyang ama bilang miyembro ng Simbahan

  • Naging pangulo ng Ricks College, na ngayon ay Brigham Young University–Idaho

Elder Quentin L. Cook

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Nagkaroon ng patotoo matapos manalangin kasama ang kanyang kuya

  • Naging pangulo ng student-body sa junior high, kasama ang kanyang mapapangasawang si Mary bilang vice-president

  • Naging pinuno ng Simbahan sa Pilipinas at sa Pacific

Elder D. Todd Christofferson

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Gumawa ng homemade na tinapay para sa kanyang lumalaking pamilya

  • Nakibahagi sa Hill Cumorah Pageant noong tinedyer siya

  • Nagmisyon sa Argentina kasama ni Elder Scott bilang kanyang mission president

Elder Neil L. Andersen

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Lumaki sa isang dairy farm sa Idaho, USA

  • Naglingkod bilang missionary at mission president sa France

  • Tumulong sa pamamahala ng paglulunsad ng Mormon.org

Elder Ronald A. Rasband

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naging mission president sa New York City

  • May motto na “Mga tao ang pinakamahalaga”

  • Inilaan ang unang gusali ng Simbahang LDS sa Czech Republic

Elder Gary E. Stevenson

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naglingkod bilang missionary at mission president sa Japan

  • Nagsimula ng negosyo sa paggawa ng mga kagamitang pang-ehersisyo

  • Naglingkod bilang bishop sa buong Simbahan

Elder Dale G. Renlund

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Ang ibig sabihin ng kanyang gitnang pangalan na Gunnar ay “matapang na sundalo”

  • Lumipat sa Sweden noong tinedyer siya

  • Nagtrabaho bilang heart doctor