Samahan ng mga Nagbabasa ng Aklat ni Mormon
Sumali sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon! Maaari kang magbasang mag-isa, kasama ang pamilya mo, o ang isang kaibigan. Pagkatapos ay ipadala sa amin ang larawan na nagbabasa ka ng Aklat ni Mormon at magsabi sa amin ng iyong natutunan o ng iyong paboritong kuwento mula sa Aklat ni Mormon. Ipadala ito sa liahona.lds.org (iklik ang “Submit an Article”).
Ang Banal na Kasulatan sa Buwang Ito: Helaman 5:12
“Tandaan, tandaan na sa bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos, ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”
Binabasa ng aking pamilya ang Aklat ni Mormon. Minsan isinasadula namin ang mga kuwento. Nakakatuwa ito. Natututo ako ng mga bagong salita at bagay araw-araw. Ang paggawa ng mga bagay na ito ay nakakatulong sa akin na manatiling nakatuon sa sacrament meeting at sa Primary. Tinutulungan din ako nito na mas mapalapit sa aking pamilya.
Amaron I., edad 7, Phnom Penh, Cambodia
Gustung-gusto kong basahin ang Aklat ni Mormon simula pa noong ibinahagi ito sa amin ng mga missionary. Ang paborito kong kuwento ay nasa aklat ni Mosias, kung saan si Haring Benjamin ay nanungkulan gamit ang kanyang pananampalataya. Gusto kong maging tapat at masunurin sa mga ipapagawa sa akin ng aking mga magulang.
Janice S., edad 10, Iloilo, Philippines