2018
Si Ruth ay Isang Tapat na Kaibigan
Hulyo 2018


Kard ng Bayani sa Lumang Tipan

Si Ruth ay Isang Tapat na Kaibigan

Ruth Was a Loyal Friend

Isang babae na nagngangalang Noemi ang nakatirang kasama ng kanyang dalawang anak na lalaki at mga manugang. Noong parehong namatay na ang kanyang mga anak, sinabihan ni Noemi ang kanyang mga manugang na makakabalik na sila sa kanilang mga pamilya. Ngunit isa sa mga manugang, si Ruth, ay napakatapat. Pinili niyang manatili at alagaan si Noemi. Pumunta si Ruth sa kalapit na bukid para mamulot ng mga uhay. Narinig ng may-ari ng bukid ang tungkol sa magandang pagkatao ni Ruth. Mabait siya kay Ruth. Nagpasiya si Ruth na magpakasal sa kanya. Nanatiling mabuting magkaibigan sina Ruth at Noemi, at tumulong si Noemi sa pag-aalaga sa anak ni Ruth. Makalipas ang maraming taon, si Jesus ay isinilang mula sa kanilang lahi. Ibig sabihin, si Ruth ay isa sa mga ninuno ni Jesus!

Ruth

Pinili ni Ruth na maging tapat na kaibigan, at kaya ko rin!

  • Kabisaduhin ang Ruth 1:16.

  • Ang pagiging tapat ay nangangahulugan ng pagsuporta sa iba kahit na mahirap. Sumulat sa iyong journal tungkol sa isang beses na may naging tapat sa iyo.

  • Magkaroon ng bagong kaibigan sa linggong ito. Alamin ang tatlong nakakatuwang bagay tungkol sa kanila!

  • Maaari akong maging mabuting kaibigan sa pagiging …