“Paano Tayo Maglilingkod na Katulad ng Tagapagligtas?,” Liahona, Okt. 2024.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Tayo Maglilingkod na Katulad ng Tagapagligtas?
Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo na maglingkod sa iba tulad ng ginawa Niya (tingnan sa 3 Nephi 18:30; 27:21). Nang dalawin Niya ang mga Nephita, isa-isa Niya silang pinaglingkuran (tingnan sa 3 Nephi 11; 17). Naglingkod Siya sa kanila dahil mahal Niya sila at talagang gusto Niya sila—at bawat isa sa atin—na maging masaya, magkaroon ng pag-asa, at matanggap ang Kanyang kaginhawahan.
Kaya kapag nagsisikap na maging mas mabuting lingkod at disipulo ni Jesucristo, saan tayo dapat magsimula?
Ipinapakita sa atin ng perpektong halimbawa ng Panginoon na ang ministering, sa pinakamahalagang aspeto nito, ay higit pa sa isang tungkulin sa Simbahan. Ang ministering ay pangangalaga sa iba na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas kung narito Siya. Ang ministering ay bahagi ng pagtupad sa ating tipan sa binyag (tingnan sa 2 Nephi 31:13–14; Mosias 18:10, 13; Doktrina at mga Tipan 20:37). Itinuro na sa atin ni Pangulong Russell M. Nelson na, “Isa sa pinakamadadaling paraan para makilala ang isang tunay na [alagad] ni Jesucristo ay kung gaano niya tinatrato nang may pagkahabag ang ibang tao” (“Kailangan ng mga Tagapamayapa,” Liahona, Mayo 2023, 98).
Kapag nagsikap tayong puspusin ang ating puso ng mas tunay na pagkahabag, makikita natin na mas napalapit na tayo sa Tagapagligtas—at mas nagiging katulad ng Tagapagligtas. Paano mo madaragdagan ang iyong pagkahabag, maipagdarasal ang iba, at mapaglilingkuran ang iba na katulad ng Tagapagligtas?
Mga Paraan ng Paglilingkod ng Tagapagligtas |
Matutularan ba ninyo ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng … |
“Ang aking [kalooban] ay puspos ng pagkahabag sa inyo” (3 Nephi 17:6). |
… pagkakaroon ng tunay na pagkahabag sa mga taong pinaglilingkuran ninyo? |
“Dalhin sila rito at akin silang pagagalingin” (3 Nephi 17:7). |
… pagsuporta sa maysakit at naghihirap? |
“Narinig namin siyang nanalangin sa Ama para sa amin” (3 Nephi 17:17). |
… pagdarasal para sa iba? |
“Pinagpala kayo dahil sa inyong pananampalataya. At ngayon masdan, ang aking kagalakan ay lubos” (3 Nephi 17:20). |
… pagiging masaya kapag tinatanggap at tinutugunan ng mga pinaglilingkuran ninyo ang inyong paglilingkod? |
“Kinuha [niya] ang kanilang maliliit na anak, isa-isa, at binasbasan sila” (3 Nephi 17:21). |
… pagmamalasakit sa mga tao bilang mga indibiduwal at paglilingkod sa kanila nang isa-isa? |