“Preston, United Kingdom,” Liahona, Okt. 2024.
Narito ang Simbahan
Preston, United Kingdom
Si Heber C. Kimball (1801–68) ay isa sa anim na missionary na tinawag para mangaral ng ebanghelyo sa England noong 1837. Ito ang naging unang misyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa labas ng North America. Nagsimula ang gawain sa Preston, at nang makauwi na si Elder Kimball noong 1838, mahigit 1,500 tao na ang sumapi sa Simbahan. Sa kasalukuyan, ang Simbahan sa United Kingdom ay may:
-
Mahigit 186,000 miyembro
-
317 ward at branch
-
2 templong gumagana, 1 ibinalita
Mga Pagpapala ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Sabi ni Margaret Jest mula sa Reading, England, “Nasisiyahan ako sa programang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at nakakaganyak iyon nang husto sa akin. Tinutulungan ako nitong matutuhan ang iba pa tungkol sa mga banal na kasulatan at mas maunawaan ang mga ito. Mas inilalapit ako nito sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at tinutulungan akong magkaroon ng maginhawang pagsisimula ng araw.”