Liahona
Tayo ay mga Disipulo ni Jesucristo
Oktubre 2024


“Tayo ay mga Disipulo ni Jesucristo,” Liahona, Okt. 2024.

Para sa mga Magulang

Tayo ay mga Disipulo ni Jesucristo

isang mag-ina na magkasamang naglalakad

Mahal na mga Magulang,

Mahal ng Panginoon ang inyong mga anak at nais Niyang mapakinggan Siya nila. Magagabayan kayo ng mga artikulo sa isyung ito habang tinuturuan ninyo ang inyong mga anak kung paano matatanggap at mapapansin ang personal na paghahayag. Magagamit ninyo ang mga ideyang ito para matulungan ang inyong mga anak na maging mas malapit sa kanilang Ama sa Langit at sa Tagapagligtas.

Mga Talakayan Tungkol sa Ebanghelyo

Paano Tayo Magkakaroon ng Pagkakaisa?

Nakasaad sa artikulo ni Pangulong Nelson sa pahina 2 ang pitong alituntunin na tutulong sa atin na matupad ang utos ng Panginoon na “maging isa” (Doktrina at mga Tipan 38:27). Alin sa mga alituntuning ito ang maaari ninyong talakayin sa inyong mga anak? Halimbawa, paano lumilikha ng pakikipagkaisa sa iba ang paggawa at pagtupad ng mga tipan?

Taglayin sa Inyong Sarili ang Kanyang Pangalan sa Pamamagitan ng Ministering

Itinuturo ng artikulo ni Elder Villar sa pahina 8 kung paano naglingkod ang Tagapagligtas noong narito Siya sa lupa. Bilang pamilya, maaari ninyong ipagdasal na malaman kung sino ang nangangailangan ng tulong at paano sila kailangang paglingkuran. Talakayin sa inyong mga anak kung ano ang nadarama nila pagkatapos ng panalangin. Tulungan silang mapansin ang mga sagot na natanggap nila.

Nais ng Diyos na Mangusap sa Inyo

Gamitin ang artikulong “Dahil sa Iyong Pananampalataya ay Nakita Mo” (pahina 20) para maituro sa inyong mga anak ang tungkol sa pagtanggap ng paghahayag. Binanggit ng awtor kung paano tayo maaaring patnubayan ng Panginoon para sa ating misyon sa buhay sa pamamagitan ng patriarchal blessing. Maaari ninyong ibahagi kung paano kayo nagabayan ng inyong patriarchal blessing.