Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 24–30: “Kanyang ‘Tinatakan ang Kanyang Misyon at Kanyang mga Gawain ng Kanyang Sariling Dugo’”: Doktrina at mga Tipan 135–136


“Nobyembre 24—30: ‘Kanyang “Tinatakan ang Kanyang Misyon at Kanyang mga Gawain ng Kanyang Sariling Dugo”’: Doktrina at mga Tipan 135–136,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Doktrina at mga Tipan 135–136,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

Carthage Jail

Carthage Jail

Nobyembre 24–30: Kanyang “Tinatakan ang Kanyang Misyon at Kanyang mga Gawain ng Kanyang Sariling Dugo”

Doktrina at mga Tipan 135–136

Noong hapon ng Hunyo 27, 1844, muling nabilanggo sina Joseph at Hyrum Smith, na kasama sina John Taylor at Willard Richards. Naniwala sila na wala silang nagawang anumang krimen, ngunit pumayag silang maaresto, na umaasa na mananatiling ligtas ang mga Banal sa Nauvoo. Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinilanggo ng mga kaaway ng Simbahan si Propetang Joseph, ngunit sa pagkakataong ito ay tila alam niya na hindi na siya makakabalik nang buhay. Sinikap niya at ng kanyang mga kaibigan na panatagin ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon at pagkanta ng mga himno. Pagkatapos ay nakarinig ng putukan, at sa loob ng ilang minuto, ang buhay ni Joseph Smith at ng kanyang kapatid na si Hyrum ay nagwakas.

Ngunit gayon man, hindi iyon ang katapusan ng banal na layunin na lubusan nilang tinanggap at sinuportahan. At hindi iyon ang katapusan ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo. Marami pang gagawin at marami pang paghahayag na gagabay sa pagsulong ng Simbahan. Ang pagwawakas ng buhay ng Propeta ay hindi naging katapusan ng gawain ng Diyos.

Tingnan sa Mga Banal, 1:622–23.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Doktrina at mga Tipan 135; 136:37–39

Tinatakan nina Joseph at Hyrum Smith ng kanilang dugo ang kanilang patotoo.

Isipin kung ano kaya ang madarama mo kung nakatira ka sa Nauvoo noong patayin sina Joseph at Hyrum Smith (tingnan sa Mga Banal, 1:631–32). Ano kaya ang magiging katuturan sa iyo ng kalunus-lunos na pangyayaring ito? Ang Doktrina at mga Tipan 135, na inilathala pagkaraan ng tatlong buwan, ay maaaring nakatulong. Habang sinasaliksik mo ang bahaging ito, isipin kung ano ang nagdulot sa iyo ng pang-unawa at katiyakan. Ano ang sasabihin mo sa isang taong nagtatanong na, “Bakit papayagan ng Diyos na mapatay ang Kanyang Propeta?” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 136:37–39).

Maaari mo ring saliksikin ang bahagi 135 para sa mga salita o parirala na naghihikayat sa iyo na maging tapat kay Cristo hanggang wakas, tulad nina Joseph at Hyrum noon.

Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 5:21–22; “Remembering the Martyrdom,” sa Revelations in Context, 299–306; Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (2011), 554–55, 559–70; “Testimony of the Book of Mormon” (video), Gospel Library.

4:38

Patotoo Tungkol sa Aklat ni Mormon

Doktrina at mga Tipan 135:3

icon ng seminary
Si Joseph Smith ay isang propeta at saksi ni Jesucristo.

Binabanggit sa Doktrina at mga Tipan 135:3 ang ilan sa mga bagay na naisagawa ni Joseph Smith “sa maikling panahon ng dalawampung taon.” Paano nakaapekto ang mga bagay na ito sa iyo at sa iyong relasyon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Isipin kung paano mo kukumpletuhin ang isang pangungusap na tulad nito: Dahil sa ginawa ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph Smith, ako ay … Maaari mo ring itala at ibahagi sa iba ang iyong patotoo tungkol sa Propetang si Joseph Smith.

Ang isa pang paraan para malaman ang tungkol sa misyon ni Joseph Smith ay ang subukang sumulat ng isang maikling obitwaryo o papuri para sa kanya. Ano ang sasabihin mo na magpapalakas ng pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo? Maaari mong isama ang mahahalagang pangyayari o tagumpay na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 135 o sa mga binabanggit sa resources sa ibaba.

Inihayag ni Jesucristo ang maraming katotohanan tungkol sa Kanyang sarili at sa Kanyang Pagbabayad-sala sa pamamagitan ng Joseph Smith. Isiping pagnilayan ang karanasan mo sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan ngayong taon. Anong mga katotohanan ang namukod-tangi sa iyo? Maaari mong ibahagi ang mga ito sa iyong pamilya, mga miyembro ng klase o korum, o iba pa habang nag-aaral ka sa linggong ito. Paano ka natutulungan ng mga katotohanang ito na makaunawa at mas mapalapit sa Tagapagligtas?

Tingnan din sa “Joseph Smith: The Prophet of the Restoration” (video), Gospel Library; Tad R. Callister, “Joseph Smith—Propeta ng Pagpapanumbalik,” Liahona, Nob. 2009, 35–37; “Purihin ang Propeta,” Mga Himno, blg. 21; Mga Paksa at mga Tanong, “Joseph Smith,” Gospel Library.

62:4

Joseph Smith: The Prophet of the Restoration

Kaugnay na Musika

Ang pagkanta ng sumusunod na mga himno o panonood ng mga video ay maaaring mag-anyaya sa Espiritu Santo o maghikayat ng isang talakayan tungkol sa gawain ni Propetang Joseph Smith at sa mga sakripisyo ng mga Banal na patuloy na sumunod sa kanya.

Isang Taong Manlalakbay” (Mga Himno, blg. 22). Habang nasa Carthage Jail, kinanta ni John Taylor ang himnong ito.

Purihin ang Propeta” (Mga Himno, blg. 21; tingnan din ang video). Ang teksto ng himnong ito ay isinulat bilang parangal kay Joseph Smith.

6:16

Praise to the Man – The Tabernacle Choir at Temple Square

Mga Banal, Halina” (Mga Himno, blg. 23; tingnan din ang video).

2:3

Come, Come, Ye Saints - Mormon Tabernacle Choir

“Faith in Every Footstep” (tingnan ang video).

2:3

Faith in Every Footstep - Mormon Tabernacle Choir

Doktrina at mga Tipan 136

Maaari akong makatulong na isakatuparan ang kalooban ng Panginoon kapag sinusunod ko ang Kanyang payo.

Matapos mamatay si Joseph Smith, itinaboy ang mga Banal palabas ng Nauvoo. Ngayon ay kailangan nilang maglakbay nang 1,300 milya (2,100 km) sa malupit na ilang. Nag-alala si Brigham Young, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, kung paano makakaligtas ang mga Banal sa paglalakbay. Sa isang pansamantalang pamayanan na tinatawag na Winter Quarters, humingi siya ng patnubay. Ang sagot ng Panginoon ay nakatala sa bahagi 136. “Sa pagtulong sa mga Banal na alalahanin na ang kanilang pag-uugali sa paglalakbay ay kasinghalaga ng kanilang destinasyon, nakatulong ang paghahayag na gawing isang mahalagang espirituwal na karanasan ang pandarayuhan pakanluran mula sa isang malungkot na kalagayan” (“This Shall Be Our Covenant,” sa Revelations in Context, 308).

Isaisip ito habang pinag-aaralan mo ang bahagi 136. Anong payo ang nakikita mo na makakatulong upang ang isang mahirap na pagsubok sa iyong buhay ay maging “isang mahalagang … espirituwal na karanasan”? Maaari mong pagnilayan kung paano makakatulong ang payong ito na maisagawa mo ang kalooban ng Panginoon sa iyong sariling buhay, gaya ng pagtulong nito sa sinaunang mga Banal sa kanilang mga paglalakbay.

Tingnan din sa “This Shall Be Our Covenant,” sa Revelations in Context, 307–14; “Mga Banal, Halina,” Mga Himno, blg. 23; Church History Topics, “Succession of Church Leadership,” Gospel Library.

ipinintang larawan ng Winter Quarters

Detalye mula sa Winter Quarters, ni Greg Olsen

Mga Tao, Lugar, Pangyayari

Magklik para makita pa ang iba

icon 02 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Doktrina at mga Tipan 135:1–2, 4–5

Ibinuwis nina Joseph at Hyrum Smith ang kanilang buhay para kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

  • Ibuod para sa iyong mga anak ang Doktrina at mga Tipan 135:1 o ibahagi ang “Kabanata 57: Pinatay ang Propeta” (sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, 201–5, o sa kaukulang video sa Gospel Library). Maaaring magandang pagkakataon ito para sa iyo at sa iyong mga anak na ibahagi ang inyong damdamin tungkol sa sakripisyong ginawa nina Joseph at Hyrum para sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.

    3:21

    Chapter 57: The Prophet Is Killed: June 1844

  • Nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 135:4–5 na nagbasa si Hyrum Smith ng isang sipi mula sa Aklat ni Mormon bago siya nagpunta sa Carthage Jail. Maaari ninyong sama-samang basahin ng iyong mga anak ang siping ito (tingnan sa Eter 12:36–38). Paano napanatag si Hyrum sa mga talatang ito? Maaari ka ring magbahagi ng mga talata na nagbibigay sa iyo ng kapanatagan kapag ikaw ay nag-aalala o malungkot.

  • Kayo ng iyong mga anak ay maaaring tumingin sa mga larawan ng mga propeta (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 7, 14, 67) at pag-usapan ang ilang bagay na ipinagagawa ng Diyos sa mga propeta. Ano ang isinakripisyo ng mga propetang ito para sa Tagapagligtas?

    The Old Testament prophet Noah standing on a log as he preaches to a group of assembled people. The people are laughing and mocking Noah. The partially completed ark is visible in the background.

Sa tahanan, ang pag-aaral at pamumuhay ay hindi mapaghihiwalay. “Ang ebanghelyo ay may pangunahing kaugnayan sa tahanan. Ang mga tao roon na kasama mong natututo ng ebanghelyo ay siya ring makakasama mo sa pamumuhay nito—araw-araw. Sa katunayan, halos lahat ng oras, ang pamumuhay ng ebanghelyo ang paraan para matutuhan ang ebanghelyo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 31).

Doktrina at mga Tipan 135:3

Si Joseph Smith ay isang propeta at saksi ni Jesucristo.

  • Para matulungan ang iyong mga anak na maalala at mapahalagahan kung paano tayo napagpala ng Panginoon sa pamamagitan ng misyon ni Joseph Smith, maaari kang magdispley ng mga bagay na kumakatawan sa mga ginawa ni Joseph, tulad ng Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, o isang larawan ng templo (tingnan din sa pahina ng aktibidad para sa linggong ito). Pagkatapos ay maaaring maghanap ang iyong mga anak sa Doktrina at mga Tipan 135:3 para sa ilang bagay na ginawa ni Joseph Smith para tulungan tayong mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Anyayahan ang iyong mga anak na ibahagi kung bakit sila nagpapasalamat para sa mga bagay na ito.

si Propetang Joseph Smith

American Prophet [Propetang Amerikano], ni Del Parson

Doktrina at mga Tipan 136

Maaari akong pagpalain ng Panginoon kapag nahihirapan ako.

  • Isiping maglagay ng isang larawan ng Nauvoo Temple sa isang panig ng silid at lumikha ng simpleng kanlungan sa kabilang panig. Anyayahan ang iyong mga anak na magtipon malapit sa larawan, at magkuwento sa kanila tungkol sa mga Banal na kinailangang umalis sa Nauvoo matapos mamatay si Joseph Smith (tingnan ang mga kabanata 58, 60, at 62 sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, 206–8, 211–16, 222–24, o ang kaukulang mga video sa Gospel Library). Bigyang-diin ang pananampalataya ng mga Banal na ito kay Jesucristo, at anyayahan ang iyong mga anak na maglakad papunta sa kanlungan para kumatawan sa paglalakbay patungong Winter Quarters. Maaari nilang kantahin ang isang awiting tulad ng “Upang Maging Tagabunsod” (Liahona, Hulyo 2019) habang naglalakad sila.

    1:31

    Chapter 58: A New Leader for the Church: July–August 1844

    3:51

    Chapter 60: The Saints Leave Nauvoo: September 1845–September 1846

    2:29

    Chapter 62: The Saints Establish Winter Quarters: 1846–1847

  • Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 136, nagbigay ng payo ang Panginoon para tulungan ang mga Banal sa kanilang paglalakbay patungong Salt Lake Valley. Tulungan ang iyong mga anak na makahanap ng isang bagay sa paghahayag na ito na makapagbibigay sa kanila ng tapang para sa paglalakbay na ito (tingnan sa mga talata 4, 10–11, 18–30). Paano tayo matutulungan ng payong ito sa mga pagsubok na nararanasan natin ngayon?

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

mga mandurumog na lumusob kay Joseph Smith at sa iba pa sa Carthage Jail

Greater Love Hath No Man [Walang May Higit pang Dakilang Pag-ibig Kaysa Rito], ni Casey Childs

pahina ng aktibidad para sa mga bata