Resources para sa Pamilya
Mga Pangkalahatang Tagubilin


Mga Pangkalahatang Tagubilin

Paano dapat gamitin ang kursong Mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak?

Ang kursong ito ay nilayon upang tulungan ang mga miyembro ng Simbahan na patatagin ang pagsasama ng mga mag-asawa at mag-anak at makatagpo ng kagalakan sa kanilang mga ugnayang pangmag-anak. Pananagutan ng obispado o panguluhan ng sangay na tiyakin na mabisang naisasakatuparan ang kurso.

Dahil iba-iba ang mga pangangailangan at kalagayang pangmag-anak ng mga miyembro ng Simbahan, hinati ang kurso sa dalawang bahagi. Ang bahagi A, “Pagpapatatag ng Pagsasama ng Mag-asawa,” ay higit na nakatutulong sa mga mag-asawa at sa mga miyembrong naghahandang magpakasal. Ang bahagi B, “Mga Pananagutan ng mga Magulang sa Pagpapatatag ng mga Mag-anak,” ay tumutulong sa mga magulang at mga lolo at lola sa kanilang mga pagsisikap na “turuan ang [mga anak] ayon sa saway at aral ng Panginoon” (Mga Taga Efeso 6:4). Dapat maunawaan ng mga miyembrong kalahok sa kurso na makapipili silang dumalo ayon sa kani-kanilang pangangailangan. Halimbawa, maaaring naisin ng mag-asawang walang anak na makilahok sa bahagi A ngunit hindi sa bahagi B. Ang nag-iisang magulang ay maaaring magpasiyang makilahok lamang sa mga aralin sa bahagi B.

Maaaring bagu-baguhin ng mga pinuno ng purok at sangay ang kanilang paggamit sa kurso, ayon sa mga panghihikayat ng Espiritu at pangangailangan ng bawat miyembro. Kailangan nilang isaalang-alang ang mga sumusunod na ideya:

  • Maaaring itakda ng mga obispado at panguluhan ng sangay ang kurso bilang klase sa Panlinggong Paaralan. Ayon sa patnubay ng Espiritu, maaaring mag-anyaya ang mga pinuno ng mga natatanging miyembro upang dumalo.

  • Maaaring gumamit ng paisa-isang aralin ang mga pamunuan ng pangkat ng Matataas na Saserdote, mga panguluhan ng korum ng mga elder, at mga Panguluhan ng Samahang Damayan para ituro sa unang Linggo ng bawat buwan. Kung naaangkop, maaari nilang gamitin ang mga aralin para sa mga fireside at mga pagkakataong magturo sa gabi mula Lunes hanggang Biyernes o maging sa araw ng Sabado.

  • Maaaring gumamit ng paisa-isang aralin ang mga obispado at mga panguluhan ng sangay sa pinagsamang pulong ng Pagkasaserdoteng Melquisedec at Samahang Damayan tuwing ikalimang Linggo. Maaari din nilang gamitin ang mga aralin sa mga fireside para sa mga kabataang lalaki at babae.

  • Maaaring gamitin ng mga tagapayo ng Pagkasaserdoteng Aaron at Samahan ng Mga Kabataang Babae ang manwal para mapagkunan ng ituturo sa gabi ng Mutwal. Maaari nilang gamitin ang mga aralin upang sama-samang turuan ang mga kabataang lalaki at babae o kaya’y sa kani-kanilang samahan.

  • Maaaring pag-aralang mag-isa ng mga indibiduwal at mag-asawa ang kurso.

Sino ang dapat tumanggap ng mga materyal para sa kurso?

Bawat miyembro ng purok o sangay na nakalista sa ibaba ay dapat makatanggap ng isang kopya ng Manwal ng Tagapagtiiro sa mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak at isang kopya ng Gabay ngKalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak.

  • Obispo o pangulo ng sangay

  • Pinuno ng pangkat ng Matataas na Saserdote

  • Pangulo ng komm ng mga elder

  • Pangulo ng Mga Kabataang Lalaki

  • Pangulo ng Samahang Damayan

  • Pangulo ng Mga Kabataang Babae

  • Tagapagturo ng Kurso Ukol sa mga

  • Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak

Bawat kalahok sa kurso ay dapat makatanggap ng isang kopya ng gabay sa pag-aaral.