Resources para sa Pamilya
Aralin 15: Paggabay Sa Mga Anak Sa Paggawa Nila Ng Mga Pasiya


Aralin 15

Paggabay Sa Mga Anak Sa Paggawa Nila Ng Mga Pasiya

Layunin

Upang ituro ang mga alituntuning makatutulong sa mga magulang upang magabayan ang kanilang mga anak sa paggawa ng mga pasiya.

Paghahanda

  1. Habang inihahanda ninyo ang inyong sarili sa pagtuturo, humanap ng mga paraan upang sundin ang mga alituntunin sa ilalim ng “Ang Inyong mga Pananagutan Bilang Guro” (mga pahina x-xiii sa manwal na ito).

  2. Basahin ang mga ulo ng aralin na malinaw na nakalimbag. Ang mga ulong ito ay nagbibigay ng buod ng mga doktrina at alituntunin sa aralin. Bilang bahagi ng inyong paghahanda, pag-isipang mabuti ang mga paraan sa pagtulong sa mga kalahok na ipamuhay ang mga doktrina at alituntuning ito. Hangarin ang patnubay ng Espiritu sa pagpapasiya kung ano ang dapat ninyong bigyang-diin upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kalahok.

  3. Magdala ng isang maliit na bato sa klase. Gagamitin ninyo ito sa huling bahagi ng aralin.

Iminungkahing Pagbubuo ng Aralin

Kailangan ng mga anak ng gabay sa paggawa nila ng mga pasiya.

Basahin ang sumusunod na tula, na ibinahagi ni Pangulong Thomas S. Monson ng Unang Panguluhan sa kanyang pananalita sa isang pangkalahatang komperensiya:

Tumayo siya nang nag-iisa sa sangandaan,

Ang sikat ng araw sa mukha niya’y nakatuon.

Wala siyang malay sa mundong pupuntahan—

Siya’y naghanda sa pantaong labanan.

May daang pasilangan, may daang pakanluran

Pinakamainam na daan hindi malaman;

Nabigo saya sa piniling daanan,

Korona’y nawala, nagapi sa labanan.

Nabihag siya ng poot sa wakas

Pagkat sa sangandaan ay walang natagpuan

Na magpapakita sa mas tamang landas.

Isa pang araw, sa pook ding iyon,

Isang batang lalaki ang tumayo roon.

Puno ng pag-asa, sa labanan din hahantong;

Hangad din niya’y kabutihan sa malaon.

At doo’y may isang sa daa’y nagbabantay,

Sa tamang daan siya’y naging gabay.

Kaya’t di tinahak landas na pagkabigo

Sa labana’y nanalo, korona’y natamo.

Tumatahak ngayon sa daang mahusay

‘Pagkat isang bantay sa kanya’y naghintay.

Sa tamang landas siyang pumatnubay.

[binanggit sa Central Christian Monitor, sa Conference Report, Okt. 1993, 66-67; o Ensign, Nob. 1993, 48]

Ipaliwanag na ang mga bata at kabataan ay kadalasang nakatayo sa mga sangandaan—mga panahong nahaharap sila sa mga pagpapasiyang magkakaroon ng matagalang epekto sa kanilang buhay. Ang mga magulang, na nakaaalam ng daan, ay dapat naroon upang tulungan ang kanilang mga anak sa paggawa ng mga wastong pasiya. Kahit hindi makasama ng kanilang mga anak ang mga magulang sa mga oras ng pagpapasiya, dapat makatanggap ang mga anak ng paggabay at umasa sa mga panghihikayat ng Espiritu Santo habang inaalala nila ang mga turo ng kanilang mga magulang.

Matutulungan ng mga magulang ang mga anak na gamitin sa kabutihan ang kanilang pagpili.

Ipaliwanag na ang pagpili ay isa sa mga pinakadakilang kaloob sa atin ng Ama sa Langit. Ang pagpili ay kapangyarihang pumili at kumilos para sa ating sarili. Sa pamamagitan ng pagpiling ito natin piniling sundin ang Tagapagligtas at tanggapin ang biyaya ng walang hanggang buhay (tingnan sa 2 Nephi 2:25–28).

Basahing kasama ng mga kalahok ang Doktrina at mga Tipan 58:27–28.

  • Sa anong mga paraan naaangkop ang taludtod na ito sa mga magulang sa pagtulong nila sa kanilang mga anak na gumawa ng mga pasiya?

  • Ano ang ilan sa mga kapakinabangan sa pagpapahintulot sa mga bata na gumawa ng mga pasiya?

Ang sumusunod na materyal ay nagbabanghay sa mga alituntuning maaaring sundin ng mga magulang upang matulungan ang kanilang mga anak na magpasiyang mabuti. Talakayin ang mga alituntuning ito sa mga kalahok.

Ituro sa mga anak ang dakilang piano ng kaligayahan ng Ama sa Langit.

Kasama ang mga kalahok, basahin ang sumusunod na banggit mula sa Alma 12:32:

“Anupa’t ang Diyos ay nagbigay sa kanila ng mga kautusan, matapos maipaalam sa kanila ang piano ng pagtubos.”

  • Bakit mahalaga na nagbigay ang Diyos ng mga kautusan matapos maipaalam ang piano ng pagtubos? Sa anong mga paraan naaangkop ang alituntuning ito sa mga pagsisikap ng mga magulang na hikayatin ang kanilang mga anak na sundin ang mga kautusan?

    Itinuro ni Elder Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol:

    “Nagtataka ang mga kabataan kung ‘bakit?’—Bakit tayo inuutusang gawin ang ilang bagay, at bakit tayo inuutusang huwag gawin ang ibang bagay? Ang kaalaman sa piano ng kaligayahan…ay makapagbibigay sa mga batang isipan ng ‘kasagutan.’…

    “Hindi kayo makakasama ng [inyong] mga anak sa oras ng pagtukso sa kanila. Sa mga mapanganib na sandaling iyon dapat silang umasa sa kanilang sariling kakayahan. Kung magpapasakop sila sa balangkas ng piano ng ebanghelyo lubus-lubusan silang lalakas.

    “Ang piano ay nararapat na paulit-ulit banggitin. Sa gayon ang layunin ng buhay, ang katotohanan ng Manunubos, at ang dahilan ng mga kautusan ay mananatili sa kanila.

    “Ang pag-aaral nila ng ebanghelyo, ang mga karanasan nila sa buhay, ay magdaragdag sa patuloy na sumisidhing patotoo kay Cristo, sa Pagbabayad-sala, sa panunumbalik ng ebanghelyo” (The Great Plan of Happiness [talumpati para sa mga tagapagturo ng relihiyon, ika-10 ng Agosto, 1993], 3).

Bigyan ang mga anak ng malinaw na mga tuntuning batay sa mga alituntunin ng ebanghelyo.

Ipaliwanag na dapat bigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng malinaw na mga tuntuning susundin sa paggawa ng mga pasiya. Ang gawaing ito ay kinabibilangan ng pagtuturo ng ebanghelyo at pagtatatag ng mga pamantayan ng pag-uugali sa tahanan. Itinuro ni Elder Joe J. Christensen ng Pitumpu:

Huwag matakot na magtakda ng malinaw na mga pamantayan at tuntunin sa moralidad. Tiyaking magsabi ng hindi kung kinakailangan…Ipaalam [sa inyong mga anak] na may ilang bagay na talagang hindi ninyo ginagawa bilang mga miyembro ng inyong mag-anak. Ilang magulang ang tila halos laging balisa sa pag-aalala tungkol sa katanyagan at pagtanggap ng lipunan sa kanilang mga anak at nagpapatangay sa maraming bagay na tunay namang salungat sa kanilang mas matinong paghatol, tulad ng mga mamahaling uso, mahahalay na pananamit, pag-uwi nang hatinggabi, pakikipagtipanan bago maglabing-anim na taon, malalaswang pelikula, at kung anu-ano pa. Para sa mga anak at magulang, maaaring nag-iisa ka sa paninindigan sa kung ano ang tama kung minsan. Maaaring may mga panahon ng pag-iisa, mga kasayahang hindi nadadaluhan, at mga sineng hindi napapanood. Maaaring hindi lagi itong masaya. Ngunit ang pagiging magulang ay hindi isang pasikatan” (sa Conference Report, Okt. 1993, 13; o Ensign, Nob. 1993, 11).

  • Ano ang maaaring gawin ng mga magulang upang makapagtakda ng malinaw na mga tuntuning moral para sa kanilang mag-anak? (Habang tinatalakay ng mga kalahok ang katanungang ito, hikayatin silang magbahagi ng mga halimbawa mula sa kanilang sariling buhay.)

Basahing kasama ng mga kalahok ang Moroni 7:15–19.

  • Anong payo ang ibinibigay ng taludtod na ito tungkol sa kung paano malalaman ang mabuti sa masama? Sa anong mga paraan maiaangkop ng mga magulang ang payong ito sa pagtatakda nila ng mga tuntunin para sa kanilang mga anak?

  • Sa anong mga bahagi ng kanilang buhay paminsan-minsang nangangailangan ang mga bata at kabataan ng tulong sa paghatol kung alin ang mabuti at masama? Sa anong mga paraan magagamit ng mga magulang ang payo sa Moroni 7:15–19 upang matulungan ang mga anak na makagawa ng mabubuting pasiya?

Tulungan ang mga bata na makilala ang impluwensiya ng Espiritu Santo sa kanilang buhay.

Ipaliwanag na ang Moroni 7:15–19 ay tungkol sa Liwanag ni Cristo, na tumutulong sa atin upang malaman ang mabuti sa masama. Bukod sa pagsunod sa Liwanag ni Cristo, makatatanggap din tayo ng patnubay mula sa Espiritu Santo na “magbibigay-alam [sa atin] ng lahat ng bagay na nararapat [nating] gawin” (2 Nephi 32:5) at tutulong sa atin na “malaman ang katotohanan ng lahat ng bagay” (Moroni 10:5). Habang natututuhan ng mga bata na makilala at masunod ang mga panghihikayat ng Espiritu Santo, makatatanggap sila ng dagdag na tulong sa paggawa ng mga pasiya. Matapos matanggap ng mga bata ang kaloob na Espiritu Santo, matutulungan sila ng mga magulang na magkaroon ng hangaring maging karapat-dapat na palagiang makapiling ang Espiritu.

Ikinuwento ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano siya tinulungan ng kanyang ina na makilala ang impluwensiya ng Espiritu Santo:

“Pagkatapos ng aking binyag at pagpapatibay, hinatak ako ng aking ina sa isang tabi at tinanong, ‘Ano ang nadarama n’yo?’ Ipinaliwanag ko sa abot ng aking makakaya ang init ng damdamin ng kapayapaan, ginhawa, at kaligayahan na napasaakin. Ipinaliwanag ni Inay na ang nadarama ko ay ang natanggap kong kaloob, ang kaloob na Espiritu Santo. Sinabi niya sa akin na kung mamumuhay ako nang marapat doon, patuloy na mapapasaakin ang kaloob na iyon. Isang sandali ng pagkatuto iyon na nanatili sa akin sa buong buhay ko” (sa Conference Report, Abr. 1999, 42; o Ensign, Mayo 1999, 33).

  • Ano ang maaaring gawin ng mga magulang upang matulungan ang kanilang mga anak na madama at makilala ang impluwensiya ng Espiritu Santo? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng panghihikayat ng mga magulang sa mga anak na pag-aralan ang mga banal na kasulatan, makinig sa sagradong musika, sundin ang mga kautusan, at manalangin nang may tunay na layunin. Maaari din silang magbahagi ng mga espirituwal na karanasan sa kanilang mga anak at magpahayag ng pagmamahal sa kanila.)

    Bigyang-diin na mahalaga para sa mga magulang na hikayatin ang likas na pagkarelihiyoso ng kanilang mga anak, tulad ng pansariling pag-aaral ng banal na kasulatan, pagdarasal, at pag-aayuno. Ang pakikilahok sa mga gawaing pangrelihiyon ng mag-anak ay mahalaga, ngunit hindi ito sapat.

Bigyan ng mga pagkakataon ang maliliit na anak na gnmawa ng mga simplengpasiya.

Bigyang-diin na maaaring bigyan ng mga magulang ang maliliit na anak ng mga pagkakataong gumawa ng mga pasiya. Maaari nilang panatilihing simple ang mga pagpapasiya, na karaniwa’y pag-aalok lamang ng dalawang pagpipilian at pagtitiyak na ang dalawang pagpipilian ay katanggap-tanggap. Halimbawa, maaaring sabihin ng magulang na, “Gusto mo bang isuot ang asul na kamiseta mo o ang pula naman ngayon?” o “Gusto mo bang makinig ng kuwento o magpatuloy sa paglalaro hanggang sa pagtulog?” Sa sandaling mag-alok ng gayong pagpipilian ang mga magulang, dapat nilang tanggapin ang pasiya ng bata.

  • Paano makatutulong ang gayong mga simpleng pagpapasiya sa paghahanda ng mga bata na gumawa ng mas malalawak at mahihirap na pasiya sa kanilang buhay sa kalaunan?

Tulungan ang mga anak na maunawaan na ang Hang pagpapasiya ay may walang hanggang kahihinatnan.

Ipaliwanag na kapag nahaharap ang mga bata sa mahihirap na pagpapasiya tulad ng pagpili ng mga gagawin sa Sabbath, pagpili ng mga kaibigan, pagpaplano sa pag-aaral, o pagtatakda ng mga layunin para sa isang propesyon, mahalagang malaman nila kung paano magpasiya batay sa mga katotohanan ng ebanghelyo. Mahalagang maunawaan nila na ang kanilang mga pagpapasiya ay maaaring magkaroon ng mga walang hanggang kahihinatnan. Kailangang mag-ukol ng panahon ang mga magulang habang bata pa ang kanilang mga anak na kausapin sila tungkol sa mga alituntuning ito.

  • Ano ang ilang paraan na magagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak habang nakikipagsanggunian sila sa kanila? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng maaaring ibahagi ng mga magulang ang sarili nilang mga karanasan, ipaalala sa kanilang mga anak ang mga kautusan ng Panginoon, at tulungan ang kanilang mga anak na pag-isipan ang mga walang hanggang kahihinatnan ng iba’t ibang pagpili.)

  • Sa anong mga sitwasyon maaaring manghimasok ang magulang kapag gumagawa ng hindi matinong pasiya ang isang anak?

    Hilingin sa kalahok na basahin ang sumusunod na payo mula kay Elder Russell M. Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol (pahina 76-77 ng Gabay ng Kalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak):

    “Tungkulin ng mga magulang na manghimasok kapag nakakakita sila ng mga maling pagpili. Hindi iyan nangangahulugan na inaagaw ng mga magulang sa mga anak ang mahalagang kaloob na pagpili. Dahil ang pagpili ay kaloob ng Diyos, sa huli ay kanila pa rin ang pagpili kung ano ang gagawin nila, paano sila kikilos, at ano ang paniniwalaan nila. Ngunit bilang mga magulang kailangan nating tiyakin na nauunawaan nila ang angkop na pag-uugali at ang mga kahihinatnan nito kung ipagpapatuloy pa rin nila ang mali nilang ginagawa. Tandaan, walang tinatawag na hindi makatwirang pagdidisiplina sa tahanan. Ang mga sine, magasin, telebisyon, video, ang Internet, at iba pang media ay naroon bilang mga panauhin at dapat lamang tanggapin kapag ang mga ito ay naaangkop para sa kasiyahan ng mag-anak. Gawing kanlungan ng kapayapaan at kabutihan ang inyong tahanan. Huwag hayaang dumihan ng masasamang impluwensiya ang sarili ninyong espirituwal na kapaligiran. Maging mabait, maalalahanin, mahinahon, at mapagbigay sa sinasabi ninyo at sa pakikitungo ninyo sa isa’t isa. Sa gayon ang mga layunin ng mag-anak na batay sa mga pamantayan ng ebanghelyo ay makapagpapadali sa paggawa ng mabubuting pasiya” (sa Conference Report, Abr. 1999, 114; o Ensign, Mayo 1999, 87).

Dapat pahintulutan ng mga magulang ang mga anak na matuto mula sa mga kinahinatnan ng hindi mabubuting pasiya.

Tukuyin na bagama’t kung minsan ay dapat manghimasok ang mga magulang upang tulungan ang kanilang mga anak na gumawa ng mabubuting pasiya, hindi sila dapat manghimasok upang pigilan ang mga kahihinatnan ng hindi matitinong pagpapasiya ng kanilang mga anak.

  • Ano ang maaaring kahinatnan kapag pinangangalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak mula sa mga kahihinatnan ng kanilang mga pagpapasiya? Anong kabutihan ang darating kung pahihintulutang maranasan ng mga anak ang likas na kahihinatnan ng kanilang mga pagpapasiya? (Hikayatin ang mga kalahok na magbigay ng mga halimbawa mula sa kanilang sariling buhay. Pagkatapos ay basahin ang mga sumusunod na pahayag.)

    Sinabi ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Mga magulang, huwag kayong magkamaling sadyang manghimasok upang pagaanin o alisin ang mga likas na kahihinatnan ng mga sinadyang pagpapasiya ng inyong mga anak na lumabag sa mga kautusan. Ang gayong mga pagkilos ay nagbibigay-diin sa mga maling alituntunin, nagbubukas ng pintuan para sa mas mabigat na kasalanan, at nagbabawas sa paghahangad na magsisi” (sa Conference Report, Abr. 1993, 43; o Ensign, Mayo 1993, 34).

    Itinuro ni Elder Robert D. Hales: “Nakakatakot pahintulutan ang ating mga anak na matuto sa mga pagkakamaling ginagawa nila, ngunit ang pagkukusa nilang piliin ang paraan ng Panginoon at mga pinahahalagahan ng mag-anak ay mas mainam kapag ang pagpili ay galing sa kanilang kalooban kaysa sa tangkain nating ipagpilitan ang mga pinahahalagahang iyon sa kanila. Ang paraan ng pagmamahal at pagtanggap ng Panginoon ay mas mainam kaysa sa paraang pamumuwersa at pamimilit ni Satanas, lalo na sa pagpapalaki ng mga kabataan” (sa Conference Report, Abr. 1999, 43; o Ensign, Mayo 1999, 34).

Dapat magpakita ng walang-maliw na pagmamahal ang mga magulang sa mga anak na naliligaw ng landas.

Banggitin na sa kabila ng pinakamatinding pagsisikap ng mga magulang, may ilang anak na nakagagawa ng mga pasiyang nagdudulot ng matinding pagdurusa sa kanila mismo at sa iba. Hindi dapat tumigil ang mga magulang na mahalin ang mga anak na naliligaw ng landas. Sinabi ni Elder Richard G. Scott:

“Ang ilan sa inyo ay may mga anak na hindi tumutugon sa inyo, na pinipili ang ganap na naiibang landas. Ang Ama sa Langit ay paulit-ulit ding nakaranas ng ganyan. Samantalang ilan sa Kanyang mga anak ay gumamit ng Kanyang kaloob na pagpili nang labag sa Kanyang payo, patuloy pa rin Siyang nagmahal sa kanila. Nguni’t tiyak ko, hindi Niya kailanman sinisi ang Kanyang sarili sa kanilang hindi matalinong pagpili” (sa Conference Report, Abr. 1993, 43; o Ensign, Mayo 1993, 34).

Habang naglilingkod sa Korum ng Labindalawang Apostol, ibinigay ni Elder Howard W. Hunter ang sumusunod na payo sa mga magulang na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya ngunit nagdadalamhati dahil sa mga pagkakamali ng isang anak:

“Ang isang matagumpay na magulang ay yaong nagmahal, nagsakripisyo, at nag-alaga, nagturo, at naglingkod sa mga pangangailangan ng isang anak. Kung ginawa ninyong lahat ito at nanatili pa ring suwail o basagulero o makamundo ang inyong anak, magkagayunma’y maituturing pa rin kayong isang matagumpay na magulang. Marahil ay may mga anak na dumating sa mundo na hahamon sa kahit sinupamang mga magulang sa anupamang kalagayan. Gayundin naman na marahil ay may iba pang magpapala sa buhay at magiging kagalakan sa, halos sinumang ama o ina” (sa Conference Report, Okt. 1983, 94; o Ensign, Nob. 1983, 65).

Ibigay sa isang kalahok ang batong dinala ninyo sa klase (tingnan sa “Paghahanda,” aytem 4). Atasan ang kalahok na ilagay ang bato nang diretso sa harapan ng kanyang mata. Pagkatapos ay tanungin ang kalahok na ilarawan kung ano ang kanyang nakikita. Basahin ang sumusunod na analohiya, na ibinahagi ni Elder Richard G. Scott noong naglilingkod siya sa Pitumpu:

“Kapag inilalagay ko ang isang maliit na bato nang diretso sa harapan ng aking mata, ito a tila isang malaking bato. Iyon lamang ang nakikita ko. Dito lamang nakatuon ang pansin ko—tulad ng mga suliranin ng isang mahal sa buhay na nakaaapekto sa buhay natin sa bawat paggising. Kapag nagawa na ninyo ang mga bagay na maaari ninyong gawin para makatulong, ipaubaya na ninyo ang suliranin sa mga kamay ng Panginoon at huwag nang mag-alala pa. Huwag ninyong isiping may pagkukulang kayo dahil sa wala na kayong magagawa. Huwag ninyong sayangin ang inyong lakas sa walang katuturang pag-aalala. Aalisin ng Panginoon ang batong pumupuno sa inyong paningin at itatapon ito kasama ng mga hamong kakaharapin ninyo sa inyong walang hanggang pag-unlad. Pagkatapos ay makikita ito sa ibang pananaw. Darating ang oras na madarama at malalaman ninyo kung paano pa makatutulong. Matatagpuan ninyo ang higit na kapayapaan at kaligayahan, hindi kaliligtaan ang ibang nangangailangan sa inyo, at makapagbibigay ng mas malaking tulong dahil sa walang hanggang pananaw na iyon” (sa Conference Report, Abr. 1988, 70; o Ensign, Mayo 1988, 60).

  • Sa anong mga paraan makapagpapakita ng walang-maliw na pagmamahal ang mga magulang sa anak na naligaw ng landas? Paano sila makapagpapakita ng gayong pagmamahal nang hindi kinukunsinti ang mga ikinikilos ng anak?

Basahin sa mga kalahok ang Lucas 15:11–32. Ipaliwanag na ang talatang ito ay kadalasang tinatawag na talinghaga ng alibughang anak. Gayunman, matatawag din itong talinghaga ng mapagmahal na ama.

  • Ano ang matututuhan natin mula sa talinghagang ito tungkol sa kung paano maiimpluwensiyahan ng pagmamahal ng mga magulang ang mga anak na suwail?

    Habang naglilingkod bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

    “Sa kasaysayan ng mga salinlahi ng tao, ang mga kilos ng mapanghimagsik na mga anak ay nababalutan ng kalungkutan at pagdadalamhati, ngunit kahit na nagkaroon ng paghihimagsik, ang matitibay na tali ng buhay mag-anak ang umantig at pumalibot sa naghimagsik.

    “Wala na akong alam na mas magandang kasaysayan sa buong panitikan kaysa sa sinabi ng Guro na nakatala sa ika-15 kabanata ng Lucas. Ito ay kuwento ng isang mapusok at gahamang anak na nanghingi ng kanyang mana, na nilustay niya hanggang sa maubos. Nagsisisi, bumalik siya sa kanyang ama, at nang matanaw siya ng kanyang ama sa malayo, ay tumakbo sa kanya at niyakap siya sa leeg at hinagkan” (sa Conference Report, Abr. 1991, 70; o Ensign, Mayo 1991, 72).

Katapusan

Bigyang-diin ang kahalagahan ng paggabay sa mga anak habang gumagawa sila ng mga pasiya at pagkatapos ay pahintulutan silang matuto mula sa mga kinahinatnan ng kanilang mga kilos. Paalalahanan ang mga kalahok na pagpapalain ng Panginoon ang mga magulang habang patuloy nilang minamahal ang kanilang mga anak at gumagawang kasama sila. Pagkatapos ay basahin ang sumusunod na pahayag na ginawa ni Bishop Robert D. Hales, noong naglilingkod pa siya bilang Namumunog Obispo:

“Walang alinlangang magkakamali ang mga magulang sa kanilang mga ginagampanang tungkulin bilang mga magulang, ngunit sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, pananampalataya, panalangin, at pag-aaral, bawat isa ay matututo ng mas mabuting paraan sa paggawa nito at pagpapalain ang buhay ng mga miyembro ng mag-anak ngayon at magtuturo ng mga tamang kaugalian para sa mga susunod na salinlahi” (sa Conference Report, Okt. 1993, 10–11; o Ensign, Nob. 1993, 10).

Sa panghihikayat ng Espiritu, magpatotoo sa mga alituntuning tinalakay sa aralin.

Sumangguni sa mga pahina 74–77 ng Gabay ng Kalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak. Hikayatin ang mga kalahok na repasuhin ang mga doktrina at alituntunin sa araling ito sa pamamagitan ng (1) pagsunod sa kahit isa sa mga mungkahi sa “Mga Ideya para sa Pagsasagawa” at (2) pagbabasa ng lathalaing “Tulad ng Apoy na Di-maapula,” ni Elder Russell M. Balalrd. Bigyang-diin na makatatanggap ng mga dakilang kapakinabangan ang mga mag-asawa mula sa magkasamang pagbabasa at pagtalakay ng mga lathalain sa gabay sa pag-aaral.

Print