Aralin 10
Ang mga Sagradong Tungkuling Ginagampanan ng mga Ama at Ina
Bahagi 1: Mga Tungkulin ng mga Ama
Layunin
Upang tulungan ang mga kalahok na maunawaan kung paano tinutupad ng mga ama ang kanilang mga sagradong tungkulin at paano magtutulungan ang mga ama at ina bilang magkapantay na pareha.
Paghahanda
-
Mag-isip ng mga paraan na maisasagawa ninyo ang mga alituntunin sa ilalim ng “Ang Inyong mga Pananagutan Bilang Guro” (mga pahina x-xiii sa manwal na ito).
-
Pag-isipang mabuti ang mga doktrina at alituntuning nakabanghay sa mga ulo ng aralin na malinaw na nakalimbag. Sa buong linggo, umisip ng mga paraan upang maituro ang mga doktrina at alituntuning ito. Hangarin ang patnubay ng Espiritu sa pagpapasiya kung ano ang dapat ninyong bigyang-diin upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kalahok.
-
Ipaalala sa mga kalahok na dalhin sa klase ang kanilang kopya ng Gabay ng Kalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak.
Iminungkahing Pagbubuo ng Aralin
Dapat magtulungan ang mga ama at ina upang makapaglaan ng kalasag ng pananampalataya sa bawat isa sa kanilang mga anak.
Isulat ang Kalasag ng Pananampalataya sa pisara. Basahin sa mga kalahok ang Doktrina at mga Tipan 27:15, 17.
-
Sa anong mga paraan nagiging tulad ng isang kalasag ang pananampalataya?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. Hilingin sa mga kalahok na makinig na mabuti upang malaman kung bakit kailangang matanggap ng mga anak “ang kalasag na pananampalataya” sa tahanan.
“Ang piano ng Ama ay nangangailangan ng kalasag na pananampalataya sa mag-anak, gaya ng henerasyon ng buhay mismo. Walang dalawang kalasag na magkatulad na magkatulad. Bawat isa ay dapat gawin ayon sa pangangailangan.
“Ang planong ginawa ng Ama ay naglalayon na ang lalaki at babae, ang mag-asawa, na nagtutulungan, ay binibihisan ang bawat bata ng kalasag na pananampalataya na mahigpit na nakahibilya upang hindi ito matanggal ni matagusan ng mga nag-aapoy na sibat na iyon.
“Kinakailangan ang di natitinag na lakas ng isang ama upang pukpukin ng martilyo ang metal nito upang matanggal at ang mapagmahal na mga kamay ng isang ina upang pakintabin at isukat ito. Kung minsan ay iisang magulang lamang ang natitirang gagawa nito. Mahirap, ngunit kaya itong gawin.
“Sa Simbahan maituturo natin ang tungkol sa mga materyal na ginamit sa pagyari ng kalasag na pananampalataya: pagpipitagan, katapangan, kalinisang-puri, pagsisisi, pagpapatawad, awa. Sa simbahan matututuhan natin kung paano buuin at pagtugma-tugmain ang mga ito. Ngunit ang talagang pagyari at pagsukat sa kalasag na pananampalataya ay nabibilang sa kalipunan ng mag-anak. Kung hindi ay maaaring lumuwag ito at malagay sa kapahamakan” (sa Conference Report, Abr. 1995, 8; o Ensign, Mayo 1995, 8).
-
Ano ang itinuturo ng pahayag na ito tungkol sa mga tungkuling ginagampanan ng mga ama at ina?
Hilingin sa mga kalahok na bumaling sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa pahina iv sa Gabay ng Kalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak (tingnan din sa pahina ix sa manwal na ito). Basahin sa kanila ang mga sumusunod na alituntunin mula sa ikapitong talata ng pagpapahayag:
“Sa piano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pagmamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan ng mga pangangailangan sa buhay at kaligtasan ng kanilang mga mag-anak. Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga ng kanilang mga anak. Sa mga sagradong tungkuling ito, ang mga ama at ina ay may pananagutang tulungan ang isa’t isa bilang magkapantay na pareha. Ang kapansanan, kamatayan, o iba pang pangyayari ay maaaring mangailangan ng pakikibagay sa bawat kalagayan.
Ipaliwanag na ang araling ito at ang aralin 11 ay tungkol sa mga sagradong tungkuling ginagampanan ng ama at ina. Bagama’t ang isang aralin ay nakatuon sa mga tungkulin ng ama at ang iba ay nakatuon sa mga tungkulin ng ina, kapwa naaangkop sa mga ama at ina ang dalawang aralin, na “may pananagutang tulungan ang isa’t isa bilang magkapantay na pareha.” Makatutulong din ang mga aralin sa mga nag-iisang magulang na ginagawa ang lahat ng makakaya nila, sa tulong ng Panginoon, upang gampanan ang dalawang tungkulin.
Dapat mamuno ang mga ama nang may pagmamahal at kabutihan.
Ituon ang pansin ng mga kalahok sa sumusunod na pahayag tungkol sa mag-anak: “Sa piano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga maganak sa pagmamahal at kabutihan.” Ipaliwanag na ang salitang mamuno ay nangangahulugan ng pag-akay at paggabay at pagtanggap ng pananagutan para sa kapakanan ng mag-anak.
Bigyang-diin na habang tinutupad ng lalaki ang kanyang pananagutang mamuno sa tahanan, katuwang niya ang kanyang kabiyak sa paggawa nito. Ipinayo ni Pangulong Howard W. Hunter, ang ika-14 na Pangulo ng Simbahan: “Ang isang taong maytaglay ng pagkasaserdote ay tinatanggap ang kanyang kabiyak bilang katuwang sa pamumuno sa tahanan at mag-anak na may ganap na kaalaman at buong pakikilahok sa lahat ng pagpapasiyang kaugnay dito Sa banal na paghirang, ang pananagutang mamuno sa tahanan ay nakasalalay sa maytaglay ng pagkasaserdote (tingnan sa Moises 4:22). Nilayon ng Panginoon na ang asawang babae ang maging katuwang ng lalaki (ang katuwang ay nangangahulugan ng kapantay)—na ang ibig sabihin ay isang kasama na kapantay at kailangan sa ganap na pagiging magkatuwang. Ang pamumuno sa kabutihan ay nangangailangan ng paghahati sa pananagutan sa pagitan ng mag-asawa; magkasama kayong kikilos nang may kaalaman at pakikilahok sa lahat ng may kinalaman sa mag-anak. Ang pagpapatakbo ng lalaki nang nag-iisa o nang walang pagsasaalang-alang sa damdamin at payo ng kanyang kabiyak sa pamamahala sa mag-anak ay paggamit ng di makatwirang pamamahala” (sa Conference Report, Okt. 1994, 68; o Ensign, Nob. 1994, 50–51).
Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball, ika-12 Pangulo ng Simbahan, na ang mga ama ay “kailangang mamuno tulad ng pamumuno ni Jesucristo sa kanyang Simbahan—sa pag-ibig, sa paglilingkod, sa pagmamahal, at sa halimbawa” (sa Conference Report, Abr. 1976, 68; o Ensign, Mayo 1976, 45).
-
Bakit mahalaga para sa mga ama na mamuno sa pagmamahal at kabutihan?
Habang naglilingkod bilang Unang Tagapagyo sa Unang Panguluhan, ipinahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa mga ama: “Tungkulin ninyo ang mahalaga at di matatakasang pananagutan na tumayo bilang ulo ng mag-anak. Hindi kasama rito ang anumang pahiwatig ng pagdidikta at di makatwirang pamamahala. Taglay nito ang kautusan na ang mga ama ay dapat magtaguyod sa mga pangangailangan ng kanilang mga mag-anak. Ang mga pangangailangang iyon ay higit pa sa pagkain, damit, at masisilungan. Kabilang sa mga pangangailangang ito ang matwid na pamamahala at ang pagtuturo, sa pamamagitan ng halimbawa at maging ng tuntunin, ng mga pangunahing alituntunin ng katapatan, integridad, paglilingkod, paggalang sa mga karapatan ng iba, at pang-unawa na pananagutan natin ang ating mga ginagawa sa buhay na ito, hindi lamang sa isa’t isa kundi pati na rin sa Diyos ng langit, na siyang ating Walang-Hanggang Ama” (sa Conference Report, Okt. 1993, 78-79; o Ensign, Nob. 1993, 60).
Sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter: “Hinihikayat namin kayo, mga kapatid na lalaki, na alalahanin na ang pagkasaserdote ay makatwirang awtoridad lamang. Kamtin ang paggalang at pagtitiwala ng inyong mga anak sa pamamagitan ng magiliw na pakikipag-ugnayan sa kanila” (sa Conference Report, Okt. 1994, 69; o Ensign, Nob. 1994, 51).
Upang tulungan ang mga kalahok na maunawaan ang kailangang gawin ng mga ama upang mabigyan ng espirituwal na pamumuno ang kanilang mga anak, ipabuklat sa kanila ang Gabay ng Kalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak sa mga pahina 47. Kasama ang mga kalahok, basahin at talakayin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson, ang ika-13 Pangulo ng Simbahan:
“Taglay ang pagmamahal sa aking puso para sa mga ama ng Israel, hayaan ninyong imungkahi ko ang 10 natatanging paraan kung saan ay makapagbibigay ng espirituwal na pamumuno ang mga ama sa kanilang mga anak:
“1. Magbigay ng pagbabasbas ng ama sa inyong mga anak. Binyagan at pagtibayin ang inyong mga anak. Ordenan ang inyong mga anak na lalaki sa pagkasaserdote. Ito ang mga magiging espirituwal na karanasan sa buhay ng inyong mga anak.
“2. Personal na pangasiwaan ang pang-araw-araw na panalangin ng mag-anak, pang-araw-araw na pagbabasa ng banal na kasulatan, at lingguhang gabing pantahanan ng mag-anak. Ang personal ninyong pakikilahok ay nagpapakita sa inyong mga anak kung gaano kahalaga ang mga gawaing ito.
“3. Hangga’t maaari, magkakasamang dumalo bilang isang mag-anak sa mga pulong ng Simbahan. Ang pagsamba ng mag-anak sa ilalim ng inyong pamumuno ay mahalaga sa espirituwal na kapakanan ng inyong mga anak.
“4. Mamasyal nang kayo lamang dalawa ng inyong anak na babae o anak na lalaki. Bilang mag-anak, magkamping at magpiknik, manood ng palaro at mga pagtatanghal, dumalo sa mga programa sa paaralan, at iba pa. Malaking kaibahan ang makapiling si Itay.
“5. Bumuo ng mga nakagawiang pagbabakasyon at paglalakbay at pamamasyal ng mag-anak. Hindi kailanman malilimutan ng inyong mga anak ang mga alaalang ito.
“6. Isa-isang kausapin ang inyong mga anak. Hayaan ninyong magsalita sila ng gusto nila. Tuman sila ng mga alituntunin ng ebanghelyo. Turuan sila ng mga bagay na tunay na mahalaga. Sabihin ninyong mahal ninyo sila. Ang paggugol ng personal na panahon kasama ang inyong mga anak ay nagpapahiwatig sa kanila kung sino o ano ang pinahahalagahan ni Itay.
“7. Turuang magtrabaho ang inyong mga anak, at ipakita sa kanila ang kahalagahan ng pagsisikap tungo sa isang makabuluhang adhikain. Ang pagsisimula ng pondo para sa misyon at pag-aaral ng inyong mga anak ay nagpapamalas sa kanila kung ano ang itinuturing ni Itay na mahalaga.
“8. Maghikayat ng mabuting musika at sining at literatura sa inyong mga tahanan. Ang mga tahanang may diwa ng kapinuhan at kagandahan ay magpapala sa buhay ng inyong mga anak magpakailanman.
“9. Kung malapit sa inyo ang templo, dumalo nang palagian kasama ang inyong kabiyak. Sa gayoy higit na mauunawaan ng inyong mga anak ang kahalagahan ng kasal at mga pangako sa templo at ang walang-hanggang yunit ng mag-anak.
“10. Ipakita sa inyong mga anak ang inyong kagalakan at kasiyahan sa paglilingkod sa Simbahan. Makakahawa ito sa kanila, kaya nanaisin nila mismong makapaglingkod sa Simbahan at mamahalin ang kaharian” (sa Conference Report, Okt. 1987, 62-63; o Ensign, Nob. 1987, 50–51).
Dapat tustusan ng mga ama ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay ng kanilang mga mag-anak at pangalagaan sila.
Ipaalala sa mga kalahok na ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak ay nagpapahayag na ang mga ama “ang may tungkuling maglaan ng mga pangangailangan sa buhay… ng kanilang mga mag-anak.”
-
Anu-ano ang ilang temporal na pangangailangan sa buhay? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng pagkain, salapi, kasuotan, at masisilungan). Sa anong mga paraan natutustusan ng mga ama ang mga pangangailangang ito?
Sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter: “Kayong mga maytaglay ng pagkasaserdote ay may pananagutan, maliban kung may kapansanan, na maglaan ng temporal na suporta sa inyong kabiyak at mga anak. Walang sinumang tao ang maaaring ipasa ang bigat ng pananagutan sa iba, maging sa kanyang kabiyak. Iniutos ng Panginoon na ang mga kababaihan at mga anak ay may karapatan sa kanilang mga asawa at ama para sa kanilang panustos (tingnan sa D at T 83; 1 Kay Timoteo 5:8)… Hinihimok namin kayo na gawin ang lahat sa abot ng inyong makakaya na hayaang manatili sa tahanan ang inyong kabiyak, upang alagaan ang mga anak habang ginagawa ninyo ang lahat upang matustusan ang inyong mag-anak” (sa Conference Report, Okt. 1994, 69; o Ensign, Nob. 1994, 51).
-
Anu-ano ang ilan sa mga espirituwal na pangangailangan sa buhay? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng patotoo, pagmamahal, araw-araw na panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan, pagtuturo ng ebanghelyo, at mga ordenansa sa pagkasaserdote.) Ano ang magagawa ng mga ama upang matustusan ang mga pangangailangang ito?
-
Paano masusuportahan ng kabiyak at mga anak ang mga pagsisikap ng kanilang asawa at ama na tustusan sila?
Sabihin sa mga kalahok na sumangguni sa sumusunod na payo sa pagpapahayag sa mag-anak: “Ang mga ama… ang may tungkuling maglaan… ng kaligtasan ng kanilang mga mag-anak.”
-
Mula saan kailangang mapangalagaan ang mga mag-anak?
-
Sa anong mga paraan mapangangalagaan ng mga asawa at ama ang kanilang mga mag-anak?
Sinabi ni Pangulong Howard W. Hunter:
“Ang isang mabuting ama ay pinangangalagaan ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at pagdalo sa kanilang mga gawain at pananagutang panlipunan, pang-edukasyon, at pang-espirituwal… .
“Ang isang lalaking maytaglay ng pagkasaserdote ay pinamumunuan ang kanyang mag-anak sa pakikilahok sa Simbahan upang malaman nila ang ebanghelyo at mapasailalim sa pangangalaga ng mga tipan at ordenansa. Kung nais ninyong tamasahin ang mga biyaya ng Panginoon, kailangan ninyong ilagay sa ayos ang inyong mga tahanan. Kasama ang inyong kabiyak, itinatakda ninyo ang espirituwal na kapaligiran ng inyong tahanan. Ang unang tungkulin ninyo ay ang ilagay sa ayos ang inyong sariling espirituwal na buhay sa pamamagitan ng palagiang pag-aaral ng banal na kasulatan at araw-araw na panalangin. Pangalagaan at igalang ang inyong mga tipan sa pagkasaserdote at sa templo; hikayatin ang inyong mag-anak na gawin din ang gayon” (sa Conference Report, Okt. 1994, 69; o Ensign, Nob. 1994, 51).
-
Anu-ano ang ilan sa mga halimbawang nakita ninyo sa mga amang tumutupad sa kanilang mga sagradong pananagutan?
Pansinin: Kung ito lamang araling ito ang itinuturo ninyo at wala kayong balak ituro ang aralin 11, pag-isipang talakayin ang sumusunod na pahayag mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak: “Sa mga banal na tungkuling ito, ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan.” Ang aralin 11 ay kinabibilangan ng tulong sa pagtalakay ng katotohanang ito (tingnan sa mga pahina 69).
Katapusan
Ayon sa panghihikayat ng Espiritu, magpatotoo sa mga katotohanang tinalakay sa aralin.
Sumangguni sa mga pahina 44–48 sa Gabay ng Kalahok sa Pag-aaral ng mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak. Hikayatin ang mga kalahok na repasuhin ang mga doktrina at alituntunin sa araling ito sa pamamagitan ng (1) pagsunod sa kahit isa sa mga mungkahi sa “Mga Ideya para sa Pagsasagawa” at (2) pagbabasa sa lathalaing “Sa mga Ama ng Israel/’ ni Pangulong Ezra Taft Benson. Bigyang-diin na ang mga mag-asawa ay makatatanggap ng mga dakilang kapakinabangan sa magkasamang pagbabasa at pagtalakay sa mga lathalain sa gabay sa pag-aaral.