Ministering
Paghingi ng Tulong na Tulungan ang Iba
Mga Alituntunin


Mga Alituntunin ng Ministering

Paghingi ng Tulong na Tulungan ang Iba

Paano natin maisasali ang iba kapag kailangan natin ng tulong sa ating mga pagsisikap na mag-minister? Makibahagi sa mga interbyu sa ministering at council meeting sa unang Linggo.

Liahona, Oktubre 2018

two women talking

Nang maupo si Kathy sa wheelchair dahil sa multiple sclerosis, nalaman niya na kailangan niya ng tulong gabi-gabi sa paglipat sa higaan mula sa kanyang upuan. Napakabigat ng trabaho para sa sinumang miyembro. Kaya’t nag-usap-usap ang elders quorum tungkol sa kanyang sitwasyon at nagpasiyang gumawa ng iskedyul ng pagtulong sa kanya gabi-gabi.1

Kapag nalaman natin ang mga pangangailangan at kalakasan ng mga pinaglilingkuran natin, maaaring makita natin na kailangan natin ng tulong para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga interbyu sa ministering at mga council meeting sa unang Linggo ay dalawang pagkakataon para talakayin kung paano angkop na maisasali ang iba.

Mga Interbyu sa Ministering

Ang mga quarterly interview na ito sa pagitan ng mga ministering sister at ng Relief Society presidency o ng mga ministering brother at ng elders quorum presidency ang tanging pormal na report na ginagawa natin hinggil sa mga pinaglilingkuran natin. Ang interbyu ay pagkakataon minsan sa isang quarter na (1) magpayuhan tungkol sa mga kalakasan, pangangailangan, at hamon ng naka-assign na mga pamilya at indibiduwal, (2) alamin ang mga pangangailangan kung saan maaaring makatulong ang korum, Relief Society, o ward council, at (3) matuto mula sa mga lider at mahikayat sa mga pagsisikap na mag-minister.

Ipinararating ng elders quorum president at ng Relief Society president sa bishop mismo ang mahahalagang pangangailangan at tatanggap sila ng payo at tagubilin mula sa kanya.

Makikita mo ang iba pang impormasyon tungkol sa mga interbyu sa ministering sa ministering.lds.org.

Pagdaraos ng mga Makabuluhang Interbyu sa Ministering

Sa pagsuporta sa pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson na sa ministering program iikot ang takbo ng Simbahan na makaaapekto sa kinabukasan nito, itinuro ni Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang katuparan ng kanyang pangitain … ay maaaring nakasalalay sa kung gaano kahusay na naturuan at nai-tutok ang mga ministering brother at sister sa interbyu sa ministering.”2

Apat na tip para sa mga ministering brother at sister:

  • Pumunta sa interbyu na naghahangad na mapayuhan. Maging handang matuto.

  • Maging handang talakayin ang mga pangangailangan na maaaring kailangan ninyo ng tulong para matugunan.

  • Magtuon sa mga kalakasan at kakayahan ng indibiduwal, hindi lang sa mga pangangailangan.

  • Kontakin ang presidency para magpayo sa pagitan ng mga quarterly interview kung kailangan.

Limang tip para sa mga lider:

  • Hindi kailangang habaan ang mga interbyu ngunit mag-iskedyul ng sapat na panahon para bumisita sa isang lugar na naghihikayat ng makabuluhang pag-uusap.

  • Samantalahin ang pagkakataong mag-minister sa ministering brother o sister.

  • Huwag magtanong ng mga bagay na nagbibigay ng impresyon na nagbibilang lang kayo ng mga pagbisita o nabisita ninyo ang isang contact (“Nakapag-minister ba kayo?”). Magtanong ng mga bagay na nagpapatibay sa ninanais na mga pag-uugali (“Anong pahiwatig ang nadama ninyo nang ipagdasal ninyo ang pamilya? Ano ang nangyari nang kumilos kayo ayon sa mga paramdam na iyon?”).

  • Taos-pusong makinig at magtala.

  • Magpayuhan. Ang mga ministering companionship ay may karapatang tumanggap ng paghahayag para sa mga naka-assign sa kanila na paglingkuran.

Mga Tanong at mga Sagot tungkol sa mga Interbyu sa Ministering

Ano ang interbyu sa ministering?

Ito ay isang talakayan sa pagitan ng mga ministering brother at ng isang miyembro ng elders quorum presidency o sa pagitan ng mga ministering sister at ng isang miyembro ng Relief Society presidency sa isang lugar na naghihikayat sa kanila na maghangad at tumanggap ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo. Dahil dito, maaaring mahikayat ang mga ministering brother at sister na mangalaga, magmahal, magturo, at mag-alo sa paraan ng Tagapagligtas.

Kailangan bang maging harapan ang mga quarterly interview na ito?

Karaniwan ay idinaraos ang mga ito nang harapan, ngunit maaari itong idaos sa pamamagitan ng telepono o online kapag imposible silang mag-usap nang harapan. Karaniwan, magkasamang lumalahok sa interbyu ang magkompanyon kapag naaangkop.

Ano ang layunin ng interbyu sa ministering?

Ang mga interbyu sa ministering ay isang pagkakataon para marebyu ng mga ministering brother at sister ang mga kasalukuyang sitwasyon, magplano para sa hinaharap, at humingi ng kailangang tulong sa mga indibiduwal o pamilya na kanilang pinaglilingkuran. Ito ay isang pagkakataong pag-usapan kung anong resources ang maibibigay ng korum at Relief Society.

Paano ko haharapin ang kumpidensyal o maseselang isyu?

Ibinabahagi lamang ng mga ministering brother at sister ang kumpidensyal na impormasyon sa elders quorum o Relief Society president—o sa bishop mismo. Ang kumpidensyal o maselang impormasyon ay hindi dapat ibahagi sa mga council meeting sa unang Linggo.

council meeting

Mga Council Meeting sa Unang Linggo

Bukod pa sa mga interbyu sa ministering, ang mga council meeting sa unang Linggo ay isa pang paraan para maisali ang iba pa sa ministering. Sa mga miting ng Relief Society at elders quorum, maaaring makatanggap ng inspirasyon ang mga dumalo mula sa Espiritu at sa iba pa sa grupo.

Ang layunin ng council meeting ay para:

  • “Mag-usap tungkol sa mga lokal na responsibilidad, oportunidad, at hamon;

  • “Matuto sa mga ideya at karanasan ng isa’t isa; at

  • “Magplano ng mga paraan para kumilos upang sundin ang mga pahiwatig na natanggap mula sa Espiritu.”3

Ang mga council meeting ay higit pa sa mga talakayan: ang mga miting ay nag-uudyok sa atin na kumilos nang mag-isa o bilang grupo ayon sa inspirasyon ng Espiritu. Ang mga miyembro ay makadarama ng paghahangad na isakatuparan ang gawain ng Panginoon dahil sa mga miting na ito.

Paanyayang Kumilos

“Ang dalangin namin ngayon,” sabi ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, “ay ang bawat lalaki at babae—at ang ating mga nakatatandang young men at young women—ay umuwi mula sa pangkalahatang kumperensyang ito nang may mas malalim na pangako na taos-pusong pangangalagaan ang bawat isa, ginaganyak ng dalisay na pag-ibig ni Cristo na gawin ito.”4

Mga Tala

  1. Tingnan sa Mormon Messages video “Lift,” lds.org/media-library.

  2. Gary E. Stevenson, sa “Interbyu sa Ministering” (video), ministering.lds.org.

  3. Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, sa o Liahona, Nob. 2017, 140; makukuha rin sa comefollowme.lds.org.

  4. Jeffrey R. Holland, “Makapiling at Palakasin Sila,” Liahona, Mayo 2018, 103.