Ministering
Ministering sa Pamamagitan ng Self-Reliance
Mga Alituntunin


Mga Alituntunin ng Ministering

Ministering sa Pamamagitan ng Self-Reliance

Ang pagtulong sa iba na maging self-reliant ay paglalaan at pagmiministeryo sa paraan ng Panginoon.

woman cutting stained glass pieces

Marami sa ating mga kapamilya, kaibigan, at kapitbahay ang interesadong lalong maging self-reliant. Gamit ang inisyatibong self-reliance ng Simbahan, ang mga miyembro ng Simbahan ay nakakahanap ng mga pagkakataong maglingkod, mangalaga, at magministeryo habang pinagpapala nila ang iba sa mga alituntuning nagdudulot ng “mas malaking pag-asa, kapayapaan, at pag-unlad.”1

“Dito Ako Nabibilang”

Ni Chrissy Kepler, Arizona, USA

Naghirap ako pagkatapos kong madiborsyo, na nagsisikap na makapagtrabahong muli matapos mamalagi sa tahanan bilang isang ina sa loob ng walong taon. Nahirapan din ako sa espirituwal, na naghahanap ng katotohanan at pananampalataya, bagama’t hindi pa ako nakapasok sa isang kapilya mula noong tinedyer ako.

Isang araw ng Linggo naglalaba ako sa bahay ng ate kong si Priscilla, na aktibong miyembro ng Simbahan. Habang naroon ako, niyaya ako ni Priscilla na sumamang magsimba sa kanyang pamilya—ang unang paanyaya sa akin sa loob ng mahigit 15 taon.

Nag-atubili ako noong una, pero noong gabi bago iyon, nagsumamo ako sa Diyos na ipakita sa akin kung paano maging mas malapit sa Kanya. Matapos madama na dapat akong magsimba, naisip ko, “Bakit hindi ka dumalo para personal mong maranasan kung ano ang pakiramdam ng magsimba?”

Habang nasa sacrament meeting kami, napansin ko ang isang flyer sa Sunday bulletin na nagpapahayag ng isang kurso sa self-reliance sa personal finances. Hindi ako handang bumalik sa simbahan, pero nagkainteres ako sa 12-linggong kurso. Sa panghihikayat ng aking ate at bayaw, nagpalista ako, na umaasang matutuhan lamang kung paano gumawa ng badyet at mabayaran ang utang. Gayunman, ang mga klase ay naghatid sa akin ng espirituwal na pagbabago.

Nagulat ako sa mga espirituwal na mensahe sa unang dalawang linggo ng klase, pero sa ikatlong linggo, napuspos ako ng damdamin ng pagpapatibay na dito ako nabibilang at may naririnig akong bago pero pamilyar na mga katotohanan. Nilisan ko ang klase at nakipagkita ako kaagad kay Priscilla. Habang lumuluha, tinanong ko siya, “Paano ko patuloy na madarama ito sa buhay ko?” Kinausap niya ang mga missionary para simulan akong turuan.

Nagpunta ang mga miyembro ng klase ko sa self-reliance sa mga pagtuturo sa akin ng mga missionary at sinuportahan ako. Nagkaroon sila ng walang-hanggang impluwensya sa aking espirituwalidad at tinulungan nila akong magkaroon ng patotoo sa ebanghelyo at sa mga makabagong propeta.

Sa oras na ginugol ko para tapusin ang kurso, gumawa ako ng ilang temporal at espirituwal na pagbabago. Nagsimula ako ng bagong trabaho sa isang magandang kumpanya, at binayaran ko ang ilang utang.

Pero ang mas malalalim at mas matatamis na pagpapalang nagmula sa kurso ay kinabilangan ng pagkakaroon ng magagandang pagkakaibigan, pagkakaroon ng isang magandang ugnayan sa isang nakahihikayat na bishop, pagkakaroon ng isang patotoo tungkol sa ikapu, at pagtanggap ng aking temple recommend, ma-endow, at makitang mabinyagan ang dalawang panganay kong anak.

Patuloy pa rin ako sa aking landas tungo sa pagiging self-reliant, pero sa nalalabi kong pagsisikap, itatangi ko ang mga aral na natutuhan ko at ang mga naging kaibigan ko.

people sitting in meetings

“Nilisan Ko ang Bawat Klase na Nadaramang May Nagmamahal sa Akin”

Nang bisitahin niya ang Temple Square sa Salt Lake City, Utah, kasama ang kanyang 10-taong-gulang na anak na si Vincent noong Disyembre 2016, itinuring ni Katie Funk ang kanyang sarili na “komportableng agnostiko.” Tumalikod siya sa Simbahan sa edad na 16, naging dalagang-ina sa edad na 17, nagsimulang magpatato sa katawan, at nahilig sa pag-inom ng kape. Ngunit sa pagbisitang iyon sa Temple Square, nadama ni Vincent ang Espiritu Santo at itinanong sa kanyang ina kung maaari siyang magpaturo sa mga missionary.

Sa kabila ng kanyang dalawang trabaho, 80-oras na pagtatrabaho sa isang linggo, pinag-aralan ni Katie ang ebanghelyo na kasabay ni Vincent, sinaliksik ang mga sagot sa mga tanong ni Vincent sa pagitan ng pagbisita ng mga missionary. Pagsapit ng tag-init ng 2017, nagsimula siyang dumalo sa mga miting ng Simbahan, kung saan nalaman niya ang tungkol sa mga kurso ng self-reliance sa Simbahan.

“Natanto ko na ito ay isang bagay na makakatulong sa akin,” wika niya. “Hindi ko na siguro kakailanganing magdalawang trabaho o umasa sa mga magulang ko habang nabubuhay ako.”

Tinawag ni Katie ang kanyang kurso na “pambihirang pagpapalakas sa temporal at espirituwal,” hindi lamang dahil sa natutuhan niya kundi dahil din sa pagtanggap at pagmiministeryo sa kanya ng kanyang self-reliance group.

Tala

  1. “Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” sa Personal na Pera para Maging Self-Reliant (2016), i.

Background texture mula sa Getty Images

Personal na Pera para Maging Self-Reliant

Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho para Maging Self-Reliant

Maghanap ng Mas Magandang Trabaho para Maging Self-Reliant

Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo para Maging Self-Reliant

Ang mga manwal na ito ay kumakatawan sa apat na kurso ng Simbahan sa self-reliance. Para sa iba pang impormasyon, magtanong sa inyong bishop o bumisita sa srs.ChurchofJesusChrist.org.