“Noong Bata pa si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Noong Bata pa si Jesus”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Noong Bata pa si Jesus
Mula sa Lucas 2:41–52
Noong bata pa si Jesus, namuhay Siya kasama nina Maria, Jose, at ng Kanyang mga kapatid na lalaki at babae. Natutuhan Niya mula sa Kanyang pamilya at sa Kanyang Ama sa Langit na maging matalino at malakas.
Bawat taon ay naglalakbay nang malayo si Jesus at ang Kanyang pamilya patungo sa Jerusalem. Pumupunta sila roon para ipagdiwang ang isang pista na tinatawag na Paskua.
Isang taon, nang oras na para umuwi, inakala nina Maria at Jose na naglalakbay si Jesus kasama ang mga kaibigan. Pagkaraan ng isang araw, napansin nilang nawawala Siya. Nasaan si Jesus?
Nagmadaling bumalik sa lungsod sina Maria at Jose para hanapin si Jesus. Natagpuan nila Siya sa templo. Nagtuturo Siya sa mga kalalakihan tungkol sa mga banal na kasulatan at sinasagot ang kanilang mga tanong. Nagulat ang mga kalalakihan dahil napakatalino Niya.
Sinabi ni Jesus na nanatili Siya sa templo upang maglingkod sa Kanyang Ama sa Langit. Maaari nating pag-aralan ang mga banal na kasulatan at sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus. Sa gayon ay makapaglilingkod din tayo sa Ama sa Langit!
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.