“Ibinigay sa Atin ni Jesus ang Sakramento,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Ibinigay sa Atin ni Jesus ang Sakramento”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Ibinigay sa Atin ni Jesus ang Sakramento
Mula sa Lucas 22–24
Alam ni Jesus na halos tapos na ang Kanyang panahon sa mundo. Tinipon Niya ang Kanyang mga Apostol para sa Huling Hapunan. Ibinigay Niya sa kanila ang sakramento at hiniling sa kanila na lagi Siyang alalahanin.
Nagpunta si Jesus sa isang halamanan para manalangin. Nasaktan Siya dahil sa lahat ng kasalanan at malulungkot na bagay sa buhay ng bawat tao. Pagkatapos ay namatay Siya sa krus at inilibing sa isang libingan.
Kinaumagahan ng Linggo pagkatapos mamatay si Jesus, ilang kababaihan ang nagpunta sa libingan. May nag-alis ng bato sa pintuan, at walang laman ang libingan! Nasaan si Jesus?
Siya ay nabuhay muli! Nakita ni Maria Magdalena si Jesus. Binisita Niya ang Kanyang mga Apostol para maging handa silang ituro ang ebanghelyo kapag bumalik na Siya sa langit.
Kapag tumatanggap ako ng sakramento, naaalala ko si Jesus. Naaalala ko na Siya ay nabuhay at namatay at nabuhay na mag-uli para sa akin!
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Ang Aking Pamilya ay Espesyal
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott