Para sa mga Batang Mambabasa
Si Jesus ay Natuto at Lumaki


Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Si Jesus ay Natuto at Lumaki

Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Si Jesus ay Natuto at Lumaki

Lucas 2:40–52

baby Jesus

Si Jesus ay isinilang bilang isang maliit na sanggol. Ako ay sanggol din dati!

Mary and Joseph feeding young Jesus

Sina Maria at Jose ay tumulong sa pag-aalaga kay Jesus. Sino ang tumutulong sa akin?

Joseph teaching young Jesus

Lumaki si Jesus sa parehong mga paraan na lumalaki ako. Siya ay lumaki sa karunungan. Ang ibig sabihin nito ay natuto Siya ng maraming bagay.

young Jesus standing

Siya ay lumaki sa pangangatawan. Ang ibig sabihin nito ay lumaki ang Kanyang pangangatawan.

young Jesus reading

Siya ay lumaki sa pagbibigay lugod sa Diyos. Ang ibig sabihin nito ay natuto Siya tungkol sa Ama sa Langit. Natuto Siyang magdasal. Binasa Niya ang mga banal na kasulatan.

young Jesus playing with friends

Siya ay lumaki sa pagbibigay lugod sa tao. Ang ibig sabihin nito ay nagkaroon Siya ng maraming kaibigan. Naging mabait Siya sa iba. Tinulungan Niya ang kanyang pamilya.

children gardening

Matutulungan ko ang aking isip at katawan na lumago at lumaki. Matututo akong sundin ang Diyos. Maaari akong maging mabuting kaibigan. Lalaki ako sa mabubuting paraan, tulad ni Jesus!

Pahinang Kukulayan

Ako ay Lumalaki

boy standing by measuring stick

Mga paglalarawan ni Apryl Stott